Tagalog Poems

Pages

Mahal kong Tatay - Happy Father's Day

Sunday, June 19, 2011

Happy Father's Day


Mahal kong Tatay
Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales
June 19, 2011

 Sa Pagkain lagi kang kasabay
Ako ang iyong panaganay
Maraming salamat sa iyong gabay
Pangaral mo ang naging patnubay.

Mga kuwento mong nakakatwa
Kapag narinig ko, ako'y sumasaya
Sana'y kasama pa kita
Ang minamahal kong ama.

Ikaw ang aking tagapagtanggol
Mula pa noong ako'y sanggol
May gumalang aong ulol
Bigla kang dumating at iyong pinukol
Sa sobrang takot ako ay nabulol.

Ako ay nasaktan at napilayan
Hindi makalakad sa kabukiran
Ako'y pinasan sa iyong likuran
At dinala sa agad sa pagamutan.

Nang makita ka sa hospital
Ang puso ko'y tila napigtal
Unti-unti akong nauutal
At parang ako'y sinasakal.

Ang mahal kong tatay
Ang tula ko sa'yo inaalay
Sana'y kapiling ka at gabay
Sa puso ko ikaw ay buhay.

Bayani

Monday, June 13, 2011


BAYANI
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
Created: June 16, 2011 - Revised: September 15, 2020
 
Maraming taon ang lumipas
Silang mga bayani ng pilipinas
Ala-alang hindi kumukupas
Tulad ng magandang palabas.

Si Lapu-lapu unang bayani
May gustong sumakop at mang-api
Ang naging laban ay matindi
Kalaban nabigo at nagapi

Jose Rizal ang pambansang bayani
Talino ginamit sa mabuti
Inilahad sa libro ang mga pang-aapi
Sa sariling bayan gianwang taga silbi.

Andres Bonifacio Ama ng katipunan
Lumaban para sa kalayaan
Hindi natakot sa baril ng dayuhan
Hindi nagtaksil sa hanggang kamatayan.

Apolinario Mabini ang dakilang lumpo
May kapasanan pero matalino
Sa himagsikan ginawang tagapayo
Para turuan ang katipunero.

Antonio Luna kahit laging mainit ang ulo
Sa bayan ang kanyang serbisyo
Ayaw n'ya ng matakaw sa pwesto
Siya ay tapat na tao.

Pag-ibig sa bayan hindi pinag-kait
Gustong talunin dayuhang malupit
Tayo'y inaapi at nilalait
At niloloko ng paulit-ulit.
 
Parang mundo ay maliit
Kapag kalayaan di makamit
Kung minsan buhay ang kapalit
Sa kamay ng taong malulupit.

Kahit na Masungit

Saturday, June 4, 2011


KAHIT NA MASUNGIT
Ni. Lawrence R. Gonzales
April 6, 2011

AKO’Y NAGTUNGO SA ISKWELA
MAGANDANG BABAE NAKILALA
NGUNIT MAY PROBLEMA
SIYA AY SOBRANG SUPLADA.

KAHIT NA S’YA AY MASUNGIT
ANG CUTE N’YA MAGALIT
ANG KANYANG MATA NA SINGKIT
LALO ITONG LUMILIIT.

KAHIT NA S’YA AY MASUNGIT
SA BATA AY MABAIT
TINUTURUAN ANG MALIIT
KAHIT NA IYONG BATANG MAKULIT.

KAHIT NA S’YA AY MASUNGIT
MINSAN LANG MAGALIT
KAPAG MAY TAONG MALUPIT
ANG ULO N’YA AY UMIINIT.

KAHIT NA S’YA AY MASUNGIT
PUEDE BA KONG MANGULIT
PAG-IBIG KO’Y IPIPILIT
KAHIT NA S’YA AY MABWISIT.

Mighty Mouse

Thursday, June 2, 2011


MIGHTY MOUSE
Ni. Lawrence R. Gonzales

AKO SI MIGHTY MOUSE ANG SUPER DAGA
KALABAN NG SALBAHENG PUSA
TAGAPAGLIGTAS NG MGA DAGA
HUWAG MATAKOT AKO ANG BAHALA.

SA ORAS NG PANGANIB
KUMABA BA MAN ANG IYONG DIBDIB
KAHIT NA SA LUGAR NA LIBLIB
SA LAKAS KO IKAW BIBILIB.

ANG MGA PUSANG ITIM
ANG PANGIL AY MATALIM
MAY KUKONG MAITIM
DELIKADO KA SA DILIM.

ANG KATULAD KONG DAGA
KAPAG NAHULI NG PUSA
KAPAG IKA’Y MALIIT AT MAHINA
TIYAK NA IKA’Y KAWAWA.

IKAW ANG KANILANG BOSS
TAYO AY MAGTUTUOS
TIYAK NA IKA’Y MALALAOS
GAGAWIN KITANG PARALUSDOS
TANGGALIN ANG KANILANG GAPOS.

Followers

 

Donate Now

Gcash# 09560993325

Search This Blog

Tagalog Poems

Ads 200x200

Ads 200x200