Tagalog Poems

Pages

Boksingero

Friday, November 18, 2011


Boksingero
Isinulat ni: Lawrence R. Gonzales
Date Created: 12:30pm - Last Modified: 1:12pm
September 6, 2020

Nagdarasal bago lumaban
Sa Diyos ang sandigan
Nagbibigay kalakasan
kapag malakas ang kalaban.

Bago simulan ang bakbakan
Sinusubok ang kakayahan
Para suntok ay maiwasan
Kanila munang pinag-aaralan.

Isang suntok pinakawalan
Mahirap itong pigilan
 kailangan agad iwasan
Para hindi tamaan.

May magaspang ang asal
Feeling katawan ay bakal
Malakas pang mang-asar
Kaya pahiya nang tamaan.

Bawat suntok na bitawan
Parang wala nang pakiramdam
Sa dami ng tama sa katawan
Nakatayo parin at lumalaban.

Nakita mo naman sa katawan
Puro muscle ang laman
Kung hanap mo sakit ng katawan
Parang sinuntok ka ni superman.

Sa gitna ng hiyawan
Matalim parin ang tinginan
Isa lang pumapasok sa isipan
Kundi patulugin ang kalaban.

Driver ng Jeep

Friday, November 11, 2011




Driver ng Jeep
Isinulat ni: Lawrence R. Gonzales
Created: October 11, 2011 - Revised: September 12, 2020

May driver na mabait
Yung sukli binabalik
Meron namang kainis
Yung parang walang naririnig.

Ang driver na sweet lover
Sa pag-ibig parang flying saucer
Matulis pa sa screw driver
Kung mambola tagos hanggang liver.

Kapag may seksing sumakay
Parang gustong umakbay
Pag holdaper ang sakay
Tatalon kahit sa tulay.

Ang driver kapag tinoyo
kahit malapit kana sa kanto
ilalagpas pa ng preno
Ikaw pa masama sa kuwento.
 
Hari daw ng kalsada
Mas sikat pa sa kalesa
Araw-araw ay bida
Tulad ng sikat na artista.

Kapag mainit ang ulo
Nagiging barumbado
Inaaway pati pasahero
Nauuwi sa basag-ulo.

Kung magmaneho bara-bara
Ang tamaan pasensya
Wala naman pambayad sa disgrasya
Walang ingat sa kalsada.

Ang mahal ng gasolina
Konti lang ang kita
Paano kaya magkakasya
Para sa kanyang pamilya.
 
Gumigising ng maaga
Para kumita ng pera
Maghapon papasada
May pulis na eeksena.

Nasaan ang lisensya
Wala pala itong dala
Tigil ang pasada
Panibagong problema.

Puso at Isip

Monday, November 7, 2011




Puso at Isip
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
Created: June 11, 2011


Huminga ng malalim at pumikit
Damhin ang hanging nagmumukla sa langit
Katahimikan ng puso at isip ay mararamdaman
Kaloob ng langit ay kapayapaan.

Isang kalungkutan, libong kaligayan
Huwag magpatalo at maging matapang
Ang hamon ng buhay ay sadyang makulay
Ika'y magpasalamat sa Diyos na buhay.

Pagkat binigyan ka ng buhay
Dito sa mundo ika'y nagkamalay
Kailangan mong manatiling buhay
Para sa mga mahal mo sa buhay.

Harapin ang pagsubok ng buong tapang
Huwag na huwag kang mag-alinlangan
Ang Diyos ay lubos na nagmamahal
Siya lang ang iyong maaasahan.

Ang puso ay sagisag ng pagmamahal
Ang isip ay katalinuhan
Ang dibdib ay katapangan
Kaya lagi mo sanang tandaan.

Si Hesus ay sandigan
Lagi s'yang maaasahan
Magtiwala sa kanyang kapangyarihan
Nangakong hindi ka pababayaan.

Dalangin


Dalangin
Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales
Created: June 11, 2011 - Revised: September 13, 2020

Ang kabutihan ay masusuklian
Sa paanomg paraan ay hindi alam
Lagi lang manalig at magdasal
Mararamdaman ang kanyang pagmamahal.

Amang nasa langit, kahit ako ay makulit
Ang pag-big mo ay hindi maliit
Ako ay susunod at luluhod
Hanggang ang tuhod ko'y maging tuod.

Oh! Diyos na aking hari, Ama ng aking lahi
Gabayan mo ang aking lipi, ang buhay ko ikaw ang may-ari
Aking pagkakamali, patawad ang minimithi
Sa bawat sandali, ikaw ang papawi.

Diyablo na walang alam na laging nakaabang
Kami'y tigilan, Diyos namin ay makapangyarihan
Panalangin kong taglay, hindi ito sasablay
Pagkat ang Panginoong Hesus ang siyang aking gabay.

Kahulugan ng Pasko

Friday, November 4, 2011


Kahulugan ng Pasko
Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales
Created: December 23, 2010 - Revised: September 13, 2020


Ang pasko ay si Hesus
Isinilang anak ng Diyos
At siya ang tutubos
Upang kasalanan ay matapos.

Tatlong pantas ay nag-alay
Buhat sa malayo sila'y naglakbay
Upang makita ang Diyos na buhay
Kay Lord Jesus sila ay nagpugay.

Ang pasko ay pagmamahalan
Tinubos ang ating kasalanan
Dapat lang na siya'y pasalamatan
Ang ginawa niya'y huwag kalimutan.

Huwag nang sisihin ang may kasalanan
Magpatawad yan ang kailangan
kung ika'y nasaktan, iyo nang kalimutan
At simulan ang buhay na may katahimikan.

Ang pasko ay pagbibigayan
Buhay ni Lord Jesus sa atin inilaan
Kapalit ay ating kaligtasan
Inako niya ang ating kasalanan.

Ang pasko ay pagkakaisa
Salamat Lord Jesus, Ika'y nakilala
Dahil sa iyo marami akong kasama
Nagpupuri sa iyo at sumasamba.

Ang pasko ay pag-ibig
Si Lord Jesus laging nasa isip
Para sa kanya ang aking tinig
Buong puso na umaawit.

Ika'y dapat makilala ng tao
Pagkat ikaw ang sagot sa tawag ng saklolo
Pangako ng Diyos ay tapat at totoo
Emmanuel, ang Diyos ay kasama natin rito.

Followers

 

Donate Now

Gcash# 09560993325

Search This Blog

Tagalog Poems

Ads 200x200

Ads 200x200