Tagalog Poems

Pages

Pagsilang ng Mesiyas

Thursday, October 25, 2012



Pagsilang ng Mesiyas
ni. Lawrence R. Gonzales
October 18, 2012

Isang anghel ang biglang lumabas
Mensaherong nagmula sa itaas
Upang ihayag, ang pagdating ng Mesiyas
Ang nag-iisang tagapagligtas.

Isang hari ang ipinanganak
Ang sabi ng anghel tayo'y magalak
Mapalad ang taong mahihirap
Narito na ang Diyos na sa atin ay lilingap..

Isang bituin ang tila nagningas
Nagsilbing ilaw ng mga pantas
Upang mahanap ang tamang landas
Sa kinaroroonan ng mesiyas.

Si haring herodes ay marahas
Ang tulad niya ay parang ahas
Binalak linlangin ang mga pantas
Kanyang kabaitan ay isang palabas.

Inutos ng hari mga bata ay patayin
Kahit mga sanggol ay hindi patatawarin
Akala ng hari trono ay aagawin
Kung kaya't si Hesus ay nais niyang paslangin..

Sa tulong ng anghel sila'y nakatakas
At sa panganib sila'y nakaligtas
Sa Bethlehem lihim silang nakalabas
Lumaki ang bata na matalino at malakas.

Gupit Dora

Wednesday, October 24, 2012



Gupit Dora
ni. Lawrence R. Gonzales
October 24, 2012

Nagpagupit ng buhok tulad ni Dora
Bagay naman at maganda
Kahit ano pang sabihin nila
Huwag mong hayaan na guluhin ka nila.

May tatalo paba sa tamis ng ngiti
Makintab na buhok na pinaigsi
Magandang kutis na sadyang maputi
Parang bituin sa langit na palamuti.

Nakapila ang iyong manliligaw
Kayraming gustong dumalaw
Matiyaga parang kalabaw
Hindi sumusuko kahit mainit ang araw.

Labis yata silang nabighani
Dahil sa iyo hindi na makauwi
Pagkat ikaw iniisip lagi
Nakalimutan yata daan pauwi.

Hindi makalapit, kahit gustong malambing
Baka mapahiya at sa iba bumaling
Isang sulyap lang hinihiling
Napakalambing ng iyong dating.


Ang Puso Mo



Ang Puso mo
ni. Lawrence R. Gonzales
October 24, 2012
Wala akong nakitang kahinaan mo
Kundi kalakasan na taglay mo
Kahit malumanay ang salita mo
Mananatiling malakas ang puso mo
Ang karunungan mong taglay
Wala itong kapantay
Diyos ang magpapatunay
Minamahal ka niyang tunay
Upang gumaan ang iyong kalooban
Luha ay huwag mong pigilan
Hayaan mong lupa ay bagsakan
Sabay tawag sa kalangitan
Sinabi ng Diyos, "Hindi kita iiwan" (Hebreo 3:5)
Kasama mong lagi, saan ka man pumaroon
Para sa iyong kaligtasan at kapanatagan
Kahit mga anghel uutusan ngayon (Awit 91)
Kahit ika'y mahirapan ngayon
At masaktan sa pangit na sitwasyon
Huwag sanang kalimutan, laging tandaan
Diyos parin ang matibay na tanggulan (Kawikaan 18:10)

Panalangin at Awit sa Diyos

Monday, August 27, 2012


Awit / Psalm
 
Awit | 18 |22 | 33 | 40 | 45 | 66 | 67 | 68 | 78818487 | 92 | 95100 | 104 | 105 | 107111113 | 114 | 115 | 117 | 118 | 132 | 135 | 136 | 145149 |

Panalangin ng Nagdaranas ng Hirap

Awit | 138 | 139 |

Panalangin ng Isang Maysakit

Awit41 |

Panalangin ng Isang Matanda Na

Awit | 71 |

Panalangin ng Pagpupuri

  Awit | 27 |

Panalangin sa Umaga

Awit | 3 |

Panalangin sa Gabi

  Awit | 4 | 141 |

Panalangin Upang Kahabagan

Awit |123 |

Panalangin Upang Patnubayan at Ingatan

Awit | 25 |

Panalangin ng Pasasalamat

  Awit |30 | 138 |

Panalangin Upang Makaunawa

Awit |119 |

Diyos ang Mag-iingat sa Atin

Awit | 91 |

Panalangin Upang Tulungan ng Diyos
  Awit | 5 | 12 | 13 | 28 | 35 | 4057 | 69 | 70 | 86 | | 119 | 120 |130142 | 143 | 144 | 145 | 146 | 147 | 148 | 149 | 150

Panalangin sa Paghingi ng Tulong

Awit | 88 |

Panalangin Upang Saklolohan

Awit | 54 |

Panalangin sa Panahon ng Bagabag
Awit | 6 | 77 | 102 |
Panalangin Upang Magtamo ng Katarungan
Awit | 7 | 9 | 1073 |
Panalangin ng Pagtitiwala sa Diyos
Awit16 | 31 | 56 |

Panalangin Upang Ingatan ng Diyos

  Awit | 59 |
Pagtitiwala sa Pag-iingat ng Diyos
  Awit62 | 111 | 119 |

Panalangin ng Isang Walang Sala

  Awit | 17 |

Panalangin Upang Magtagumpay

Awit | 20 | 21 |57 | 60 | 68 | 76 | 83 | 108 | 118 | 144 |

Panalangin Upang Patnubayan at Ingatan ng Diyos

Awit | 25 | 59 | 61 | 62 | 64 | 91 | 140 |

Panalangin ng Isang Pinagtaksilan ng Isang Kaibigan

Awit | 55 |

Panalangin Para Parusahan ang Masasama

  Awit | 58 |

Panalangin ng Taong Nagdaranas ng Hirap

Awit | 38 | 39 |

Panalangin Upang Saklolohan

  Awit | 54 | 88 |

Panalangin ng Paghingi ng Kapatawaran

Awit | 51 |

Panalangin ng Isang Matanda Na

Awit | 71 |

Panalangin ng Pagpupuri

Awit | 27 | 34 | 65 |108 | 116 | 127 | 133 | 146 | 150

Panalangin ng Pagpapasalamat

Awit | 30 | 65138144 |

Panalangin ng Isang Maysakit

Awit | 41 |

Panalangin Upang Iligtas

  Awit | 44 | 60 | 74 | 79 |89 | 109119126 |

Panalangin Para sa Hari

Awit | 72 |

Panalangin sa Panahong Nagkakagulo ang Bansa

  Awit89 |

Panalangin ng Isang Nababagabag na Kabataan

Awit |102 |

Panalangin Laban sa Kaaway

Awit |129 |

Dakilang Pangalan - Jesus Is Lord and God

Saturday, June 23, 2012

Dakilang Pangalan
Jesus Is Lord and God
  
Ako ay lingkod na taong mahina
Subalit pinalakas ng iyong salita
Ikaw ang Diyos na tunay at dakila
Iligtas mo ako at sa akin ay maawa.

Araw at gabi'y dumadalangin
Sana'y dinggin itong hinaing
Ang paghihirap nitong damdamin
Kabigatan sa puso'y iyong alisin.

Sinasamba ko ang iyong pangalan
At pinupuri ang iyong kadakilaan
Tagapagligtas ng aking bayan
Ang tahanan ko'y hindi mo pababayaan.

Ang Diyos na si Yahweh ay ating luhuran
At ating igalang ang dakilang pangalan
Ang bayang israel ay kanyang iningatan
At pinagtatanggol sa kalaban.

Ako'y patawarin sa aking kasalanan
Pagkakamali ko'y di namalayan
Ang aking pagsamo sana'y maunawaan
Humihingi po ako ng kapatawaran.

Ang Panginoong Jesus nasa amain ay nagligtas
Kailanman hindi siya nagmataas
Kadakilaan ang pinamalas
Mga himalang nagbibigay lunas.

Followers

 

Donate Now

Gcash# 09560993325

Search This Blog

Tagalog Poems

Ads 200x200

Ads 200x200