Tagalog Poems

Pages

Kalayaan sa Sarili

Thursday, August 6, 2020



Assignment: Tungkol sa kalayaan sa sarili
Wala pang title isinulat ni Lawrence R. Gonzales. September 22, 2019

Kabataan nga ako, ngunit alipin
Hindi matapos itong suliranin
Kung ibubuhos parang buhangin
Kung kaya't akoy naging iyakin.

Kay bigat nitong damdamin
Walang tumutulong sa aking hinaing.
Nahihirapan sa mga gawain
Ano kaya ang dapat kong gawin.

Sa Diyos akoy dumalangin
Upang kalayaan ay aking kamtin
Kabigatan sa puso ay aalisin
Oh! Panginoon kasiyahan koy lubusin.

Aking Panginoon ikay kukulitin
Upang akoy iyong pasayahin
buhay ko'y kaya mong baguhin
magagawa mo akong patatagin.

Aming assignment mahirap gawin
Gayunman ay kinakaya padin
Bigyan kasiglahan sa bawat aralin
Upang pangarap magawa kong abutin.

Paghanga

Wednesday, August 5, 2020


Paghanga
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
May 23, 2019 - Nov 11, 2021

Ang iyong mga matang marikit,
Kapag sa akin ay tumitig
Mata ko'y ayaw ng pumikit
Sa'yo lamang nakatitig.

Kung minsan nais kong umawit
Kahit di maganda tinig
Bakit ba ganito ang pag-ibig
Labis akong naliligalig.

Ang puso ko'y gustong mangusap,
Ngunit sa bibig ko'y walang lumalabas na pangungusap,
Gusto ko sa iyo'y makipag-usap,
Upang magandang sandali ay malasap.

Kay ganda ng iyong ngiti,
Sana ito'y manatili,
Kung ang puso ko ay magkukubli,
Sa iyong likod ako ay tatabi.

Pagsilang ng Mesiyas

Thursday, October 25, 2012



Pagsilang ng Mesiyas
ni. Lawrence R. Gonzales
October 18, 2012

Isang anghel ang biglang lumabas
Mensaherong nagmula sa itaas
Upang ihayag, ang pagdating ng Mesiyas
Ang nag-iisang tagapagligtas.

Isang hari ang ipinanganak
Ang sabi ng anghel tayo'y magalak
Mapalad ang taong mahihirap
Narito na ang Diyos na sa atin ay lilingap..

Isang bituin ang tila nagningas
Nagsilbing ilaw ng mga pantas
Upang mahanap ang tamang landas
Sa kinaroroonan ng mesiyas.

Si haring herodes ay marahas
Ang tulad niya ay parang ahas
Binalak linlangin ang mga pantas
Kanyang kabaitan ay isang palabas.

Inutos ng hari mga bata ay patayin
Kahit mga sanggol ay hindi patatawarin
Akala ng hari trono ay aagawin
Kung kaya't si Hesus ay nais niyang paslangin..

Sa tulong ng anghel sila'y nakatakas
At sa panganib sila'y nakaligtas
Sa Bethlehem lihim silang nakalabas
Lumaki ang bata na matalino at malakas.

Gupit Dora

Wednesday, October 24, 2012



Gupit Dora
ni. Lawrence R. Gonzales
October 24, 2012

Nagpagupit ng buhok tulad ni Dora
Bagay naman at maganda
Kahit ano pang sabihin nila
Huwag mong hayaan na guluhin ka nila.

May tatalo paba sa tamis ng ngiti
Makintab na buhok na pinaigsi
Magandang kutis na sadyang maputi
Parang bituin sa langit na palamuti.

Nakapila ang iyong manliligaw
Kayraming gustong dumalaw
Matiyaga parang kalabaw
Hindi sumusuko kahit mainit ang araw.

Labis yata silang nabighani
Dahil sa iyo hindi na makauwi
Pagkat ikaw iniisip lagi
Nakalimutan yata daan pauwi.

Hindi makalapit, kahit gustong malambing
Baka mapahiya at sa iba bumaling
Isang sulyap lang hinihiling
Napakalambing ng iyong dating.


Followers

 

Donate Now

Gcash# 09560993325

Search This Blog

Tagalog Poems

Ads 200x200

Ads 200x200