Love Letter
Ni Lawrence R. Gonzales
July 25, 2020
Kay tagal naman dumating
Sulat mo lang aking hiling
Mula umaga hanggang dilim
Inaabangan kong ibigay sa akin.
Ano kaya itong pagmamahal
Parang pamasahe kay mahal
Kung ako kaya ay magtanghal
Pansinin kaya ako ng minamahal.
Nasa bintana nakatingin
Ang sulat mo kaya ay darating
Yung kartero dumaan sa amin
Pero walang sulat para sa akin.
Ang sulat kong nais iparating
Naglalaman ng aking damdamin
Nasasabik akong sulat mo’y basahin
Nais kong malaman ang tugon mo sa akin.
Napakalayo ng ating pagitan
Ganito ba talaga ang sukatan
Kailangan pa ng barko para puntahan
At eroplano para ika’y masilayan.
Yung larawan mo na hawak ko
Nawala na sa paningin ko
Sa tagal ng paghihintay ko
Ikaw pala ang magbabago.