Tagalog Poems

Pages

Pusong Nalilito

Monday, September 7, 2020


Pusong Nalilito
Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales
Created 6:30pm - Last Modified 6:48pm
Saturday, September 5, 2020

Kung minsan ang puso nalilito
Pero yung damdamin hindi nagbabago
Naalala ko nung tayo
Yung araw ko hindi kumpleto.

Humanga ako sa iba
Nabighani sa talino at ganda
Magkasundo kami nung una
Pero ngayon wala na.

Paano ko ba sasabihin
Nang saktan ko ang iyong damdamin
Naisip kong ikaw parin
Nilalaman nitong damdamin.

Paano kaya mag-uumpisa
Kahit magsalita hindi ko kaya
Ngayong kaharap kana
Nanlalamig at kumakaba.

Kung ika'y magalit tatanggapin ko
Kung ako'y pahirapan gagawin ko
At kung ako'y saktan titiisin ko
Maitama ko lang yung pagkakamali ko.

Bibigyan ka ng bulaklak na paborito mo
Hahanapin ko ang pagkain na gusto
Gagawin ko anuman ipag-utos mo
Magkasundo lang muli tayo.

Kapag Puso'y Nasaktan


Kapag Puso'y Nasaktan
Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales
Created: August 9, 2020
Last modified: 7:08pm September 5, 2020

Kapag puso'y nasaktan
Masakit talaga sa pakiramdam
Pero ang kagandahan
Mayroon kang natutunan. 

Mayroon parin sa'yong magmamahal
Maghintay ka lang baka nariyan
Baka lihim kang pinagmamasdan
Pagkat tunay yung pagmamahal.

Ang puso mo ngayon 
Ay tulad ng kahon
Wala siyang laman ngayon
Pero mapupuno sa tamang panahon.

Darating din yung pagkakataon
Malay mo baka ngayon
Si right person na tanong
Kaibigan mo pala noon.

Hindi mo na kailangang mag-alala
Dahil matagal mo na siyang kilala
Na miss ka daw nya ng sobra
Yung ngiti hanggang tenga.

Ang Tula

Sunday, September 6, 2020

Ang Tula

Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
Created: August 2, 2020
Last Modified:7:28pm September 5, 2020

Ang tula ay nakakamangha
Mga pinagsama-samang salita
Kapag binigkas ay nakakatuwa
Sa ganda ng tono at mga salita.

Kadalasan tungkol sa pag-ibig
Yung pusong sinaktan at nanahimik
Umasa sa pangakong babalik
Yun pala halik ni hudas ang kapalit.

Kung minsan tungkol sa pangarap
Mga pinagdaanang masaklap
Trabahong di mahanap
Nakatingin nalang sa ulap.

Mayro'n ding tungkol sa kahirapan
Laging umiiyak ang karamihan
Mahirap na laging pinagdadamutan
Wala nang tirahan, masakit pa kalooban.

Yung nangyayari sa paligid
Akala mo ay tahimik
Magulo pala at mabagsik
Politikong hindi mapatalsik.

Puede ring libangan
Para sa iyong katahimikan
Makabuo ng salita para sa kasiyahan
Babasahin mo ito ng may kagandahan.

Malabong Mata


Malabong Mata
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
Created: July 22, 2020 - Last Modified: 8:26pm 
September 5, 2020

Ako ba'y dinadaya ng aking mata
O nabubulagan lamang sa iyong ganda
Alam kong malabo aking mata
Pero ano itong aking nakikita
Naka-aninag ng maganda.

Kailangan kong isuot yung salamin
Upang matiyak nang paningin
Pero nakalimutan kong dalhin
Isang sulyap na lang isang tingin.

Ang sabi nila maganda ka raw
Kung tumingin nakakatunaw
Gumaganda lalo ang araw
Kapag ikaw lang ang tinatanaw.

Kamukha mo yung asawa ko
Malabo lang siguro paningin ko
Ikaw ba iyan? Mahal ko
Nagbibiro lang ako.

Love Letter

Saturday, September 5, 2020

Love Letter
Ni Lawrence RGonzales
July 25, 2020

Kay tagal naman dumating
Sulat mo lang aking hiling
Mula umaga hanggang dilim
Inaabangan kong ibigay sa akin.

Ano kaya itong pagmamahal
Parang pamasahe kay mahal
Kung ako kaya ay magtanghal
Pansinin kaya ako ng minamahal.

Nasa bintana nakatingin
Ang sulat mo kaya ay darating
Yung kartero dumaan sa amin
Pero walang sulat para sa akin.

Ang sulat kong nais iparating
Naglalaman ng aking damdamin
Nasasabik akong sulat mo’y basahin
Nais kong malaman ang tugon mo sa akin.

Napakalayo ng ating pagitan
Ganito ba talaga ang sukatan
Kailangan pa ng barko para puntahan
At eroplano para ika’y masilayan.

Yung larawan mo na hawak ko
Nawala na sa paningin ko
Sa tagal ng paghihintay ko
Ikaw pala ang magbabago.



Followers

 

Donate Now

Gcash# 09560993325

Search This Blog

Tagalog Poems

Ads 200x200

Ads 200x200