Tagalog Poems

Pages

Captain Barbell

Friday, September 18, 2020

 


Captain Barbell
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
September 18, 2020

Kilala moba si teng-teng?
Yung binatang patpatin
May tinatago siyang lihim
Siya pala si Captain Barbell.

Tingnan mo nga naman
Wala tayong kaalam-alam
Yung inaapi't pinagmamalupitan
Tagapagligtas pala ng taong-bayan.

Kapag siya'y nagpapalit
Yung kilos bumibilis
Laging lumilipad paalis
Hindi makausap kahit saglit.

Kayong masasama dapat mag-ingat 
Huwag kayong pakalat-kalat
Kapag inabutan kayo ng malas
Siguradong tanggal ang inyong angas.

Marami siyang kalaban
Meron ding kapangyarihan
Ginagamit sa kasamaan
maghahasik ng kaguluhan.

Nagpakasal sila ni Lea
Matagal din silang nagsama
Nangarap bumuo ng pamilya
Mamumuhay ng maligaya.

Habang nasa pasyalan
Hindi nila naiwasan
Yung atake ng kalaban
Kasama si lea sa tinamaan.

Itong si teng gustong manakit
Sa sobrang galit at sakit
Namatay si Lea, ang pait
Pati ang kanyang ipinagbubuntis.

Aalis kana bukas?

Monday, September 7, 2020


Aalis kana bukas
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
Created: 8:00pm September 3, 2020 - Last Modified: 10:27pm September 5, 2020

Aalis kana bukas
Wala nakong kausap
Tingin nalang sa ulap
Sa hangin, makikipag-usap.

Puntahan kaya kita!
Yung gamit mo, ako na magdala
Mag-aral din kaya ako sa manila
Para araw-araw makasama kita.

Sa ganitong sitwasyon
Kailangan natin ng theme song
May magandang kanta ngayon
Para sa'kin You are my song.

Unang araw na wala ka
Yung boses mo nasa tenga kopa
Hindi ako makabasa ng letra
Pangalan mo ang nakikita.

Mag-aral kang mabuti
Para sa iyong sarili
Nandito lang nakatabi
Maghihintay hanggang huli.

Tinawag ako ni nanay 
Sa telepono may naghihintay
Magandang boses na malumanay
Kay tagal ko itong hinintay.

Pusong Nalilito


Pusong Nalilito
Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales
Created 6:30pm - Last Modified 6:48pm
Saturday, September 5, 2020

Kung minsan ang puso nalilito
Pero yung damdamin hindi nagbabago
Naalala ko nung tayo
Yung araw ko hindi kumpleto.

Humanga ako sa iba
Nabighani sa talino at ganda
Magkasundo kami nung una
Pero ngayon wala na.

Paano ko ba sasabihin
Nang saktan ko ang iyong damdamin
Naisip kong ikaw parin
Nilalaman nitong damdamin.

Paano kaya mag-uumpisa
Kahit magsalita hindi ko kaya
Ngayong kaharap kana
Nanlalamig at kumakaba.

Kung ika'y magalit tatanggapin ko
Kung ako'y pahirapan gagawin ko
At kung ako'y saktan titiisin ko
Maitama ko lang yung pagkakamali ko.

Bibigyan ka ng bulaklak na paborito mo
Hahanapin ko ang pagkain na gusto
Gagawin ko anuman ipag-utos mo
Magkasundo lang muli tayo.

Kapag Puso'y Nasaktan


Kapag Puso'y Nasaktan
Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales
Created: August 9, 2020
Last modified: 7:08pm September 5, 2020

Kapag puso'y nasaktan
Masakit talaga sa pakiramdam
Pero ang kagandahan
Mayroon kang natutunan. 

Mayroon parin sa'yong magmamahal
Maghintay ka lang baka nariyan
Baka lihim kang pinagmamasdan
Pagkat tunay yung pagmamahal.

Ang puso mo ngayon 
Ay tulad ng kahon
Wala siyang laman ngayon
Pero mapupuno sa tamang panahon.

Darating din yung pagkakataon
Malay mo baka ngayon
Si right person na tanong
Kaibigan mo pala noon.

Hindi mo na kailangang mag-alala
Dahil matagal mo na siyang kilala
Na miss ka daw nya ng sobra
Yung ngiti hanggang tenga.

Ang Tula

Sunday, September 6, 2020

Ang Tula

Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
Created: August 2, 2020
Last Modified:7:28pm September 5, 2020

Ang tula ay nakakamangha
Mga pinagsama-samang salita
Kapag binigkas ay nakakatuwa
Sa ganda ng tono at mga salita.

Kadalasan tungkol sa pag-ibig
Yung pusong sinaktan at nanahimik
Umasa sa pangakong babalik
Yun pala halik ni hudas ang kapalit.

Kung minsan tungkol sa pangarap
Mga pinagdaanang masaklap
Trabahong di mahanap
Nakatingin nalang sa ulap.

Mayro'n ding tungkol sa kahirapan
Laging umiiyak ang karamihan
Mahirap na laging pinagdadamutan
Wala nang tirahan, masakit pa kalooban.

Yung nangyayari sa paligid
Akala mo ay tahimik
Magulo pala at mabagsik
Politikong hindi mapatalsik.

Puede ring libangan
Para sa iyong katahimikan
Makabuo ng salita para sa kasiyahan
Babasahin mo ito ng may kagandahan.

Followers

 

Donate Now

Gcash# 09560993325

Search This Blog

Tagalog Poems

Ads 200x200

Ads 200x200