Tagalog Poems

Pages

Salawikain, Halimbawa at Kahulugan

Saturday, April 16, 2022

Ang Salawikain o Kasabihan ay madalas nating naririnig banggitin ng mga matatanda bilang paalala o pangaral sa atin subalit hindi binibigyan ng pansin ang mga salita lalo na ng mga kabataan. Ang mga salita ay matalinghaga subalit may kahulugan upang mapag ingatan natin ang mga sarili at mapaghandaan ang kinabukasan.




Pulitiko at Kandidato

Friday, April 8, 2022


Pulitiko at Kandidato
Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales
Created: October 24, 2010


Malapit na ang botohan
Maraming proyekto pamahalaan
Kalsada aayusan at semento lalapatan
Para mabango ang pangalan.

Ang mga tao lalapitan
Mangangako na tutulungan
Pero hindi kana babalikan
Sasabihin ika'y nakalimutan.

Kahit napapagod sa lakaran
Kahit sila ay mahirapan
Basta may kapangyarihan
At dadami ang kayamanan.

Ang tao paglalaruan
Sa kanyang gimik at kalokohan
Kunwari para sa kahirapan
Yun pala magiging kawatan.

Pulitiko at kandidato 
Ang ganda ng kanilang kwento
Pagkatapos iboto at palarin sa pwesto
Makakalimutan na ang pangako sa tao.

Para silang mga tigre
Nagkalat na buetre
Mag-ingat ka pare
Serbisyo nila hindi na libre.
 

Eternal Love of Dream

Monday, January 10, 2022

Eternal Love of  Dream
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
Tagalog Poem #46 - Revised Version


Dahil sa titig mo
Ako’y nabihag mo
Parang minagic mo 
Natulala sa harap mo.

Kapag ika’y tumitingin

Parang hangin na dumarating
May saya sa damdamin
Parang nililipad ng hangin.

Kapag wala ka sa'king tabi
Ako’y hindi mapakali
Para kang nagkukubli
Hindi ka naman nagsasabi.

At kung hindi ka magbalik

Dulot nito’y sakit
Sa pakiramdam mapait
Nabubuhay sa pananabik.

Kung minsa'y nagdaramdam

Kapag puso'y nasasaktan
Lalo na't hindi alam
Kung ako ba'y minamahal.

Lagi kang pinagmamasadan
Saan ma'y sinusundan
Nakabantay nang di alam
Lihim kang minamahal.

Kahit hindi ikaw ang kapalaran
Gusto ko paring subukan
Ipilit ang pagmamahal
Baka sakaling pagbigyan.

Kahit mahirapan man ako
Basta magkasama tayo
Sa pag-ibig na ito, hindi malilito
Kung ikaw at ako, sa aking mundo.





 

Mga Uri ng Tula?

Tuesday, November 30, 2021

Sagot: mula sa TAKDANG ARALIN educational blog...
By Lhenn

Ano ang Tula? 

Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.
Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang diwa at sining ng kariktan.
Sinasabing may magandang diwa ang isang tula kung may makukuhang magandang halimbawa ditto.  May sining ng kariktan naman kung ang mga pananalitang ginamit ay piling-pili at naaayon sa mabuting panlasa.




Mga Uri ng Tula  
1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) – Ito ay nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap at iba’t-ibang damdaming maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao.  Ito ay maikli at payak. 
Uri ng Tulang Liriko
    1. Awit – Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan. 
    2. Soneto – Nagtataglay ito ng mga aral ng buhay, may labing apat na taludtod; ang nilalaman ay tungkol sa damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
    3. Oda – Ito ay pumupuri sa sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao, masigla ang nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod.
    4. Elehiya – Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.
    5. Dalit – Ito ay tulang nagpaparangal sa Dakilang Lumikha at may kahalong pilosopiya sa buhay.

2.  Tulang Pasalaysay (narrative poetry) – Ito ay naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay.  Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma. 

Uri ng Tulang Pasalaysay
a.       Epiko – Ito ay nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao, ang kanyang pakikitunggali sa mga kaaway at mga tagumpay niya sa digmaan.  Hindi kapanipaniwala ang ibang mga pangyayari at maituturing na kababalaghan.
b.      Awit at kurido – Ito ay tungkol sa mga paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa mga kaharian tulad ng hari, reyna, prinsipe, prinsesa, duke, konde at iba pang dugong mahal na ang layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo.  Ang mga awit at kurido ay dala rito ng mga Kastila.
c.       Karaniwang Tulang Pasalaysay – Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay.


3.  Tulang Patnigan (joustic poetry) – Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan

                   

 4.  Tulang Pantanghalan o Padula – Katulad din ito ng karaniwang dula, ang kaibahan lang, ito ay binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa paraang patula.  Maaaring isama sa uring ito ang mga tulang binibigkas sa sarswela at komedya. 

                  
Mga Sangkap ng Tula

1. Sukat. Ang sukat ay bilang ng pantig sa bawat taludtod sa isang saknong. Ang bawat taludtod ay maaaring magkaroon ng walo, labindalawa, labing-anim, o labingwalong pantig.
2. Tugma. Ang tugma ay pagkakatulad ng tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod. May dalawang uri ng tugma:
a. Karaniwang tugma (ordinary rhyme). Kung ang bigkas na malumay at mabilis o malumi at maragsa ay magkasama sa huling pantig ng mga taludtod sa isang saknong, ito ay karaniwang tugma.
b. Ganap na tugma (exact rhyme). Sa ganap na tugma, ang huling pantig ng bawat taludtod ay nagtatapos sa isang tunog.
3. Kariktan. Ang kariktan ay kagandahan ng isipan at diwang inilalarawan sa tula. Kasama na rin ditto ang kagandahan ng mga pananalitang pinili ng makata upang iangkop sa isipan o diwang ipinahahayag ng mga taludtod.
4. Talinghaga. Ang talinghaga ay mga pahayag na may mga nakatagong kahulugan o di-tuwirang tinutukoy. Maaaring ang sinasabing “naggagandahang bulaklak sa hardin ang aking daigdig” ay ang magagandang dalaga sa kanyang ginagalawang lipunan.

                 

Followers

 

Donate Now

Gcash# 09560993325

Search This Blog

Tagalog Poems

Ads 200x200

Ads 200x200