Tagalog Poems

Pages

Akala Nagbago

Saturday, April 30, 2022


Akala Nagbago

Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
Saturday, April 23, 2022

Bagong kasal lang tayo
Akala mo ako'y nagbago
Ikaw agad ay nagreklamo
Diko lang nasunod ang gusto.

Nagsigawan tayo, nainis ako
Binagsak ko ang pintuang ito
At naglaglagan mga nakasabit dito
Sa galit ko, sabay alis ako.

Sa aking pag-uwi
Ako'y pumikit sandali
Nakatulog ng madali
Paggising ko, sa inyo gusto mong umuwi.

Kaya ka pala tahimik
Binabalot mga damit
Hindi ka naman umiimik
Habang ako'y nakapikit.

Pagtingin ko sa kwarto
Wala mga damit mo dito
Lumabas agad ako
Inabutan ka sa kanto.

Tumakbo ako ng mabilis
Para hindi ka makaalis
Huwag kang aalis
Mababaliw ako ng labis.

Kapag ika'y hinayaan
Puso ko'y masasaktan
Kaya't Ika'y pipigilan
Sa balak mong paglisan.

Akin na ang gamit mo
Huwag kana umiyak mahal ko
Hindi naman ako nagbago
Nainis lang ako.

Yayakapin ka ng mahigpit
Hahalikan ng paulit-ulit
Nais mo bang marinig
Pag-ibig ko sa'yo hanggang langit.

Ayokong ika'y saktan
Hindi ko lang naiwasan
Na ikaw ay sigawan
Kasi naman ayaw mo kong pakinggan.

Puede mo bang mapatawad
Akin na iyong palad
Mayroon akong ilalahad
Ako'y naging mapalad.




Mag-aral ng Maikling Tula

Maikling Tula 

ni Lawrence R. Gonzales

Ang tula ay nakakamangha
Pinagsama-samang salita
Pagbigkas ko'y nakakatuwa
Dahil sa ganda ng tugma

Salitang babanggitin
Nagmula sa damdamin
Kaibig-ibig bigkasin
Kaaya-ayang usapin

Halina at basahin
Ang laman ng damdamin
Humarap sa salamin
at aking sasabihin.

Salawikain, Halimbawa at Kahulugan

Saturday, April 16, 2022

Ang Salawikain o Kasabihan ay madalas nating naririnig banggitin ng mga matatanda bilang paalala o pangaral sa atin subalit hindi binibigyan ng pansin ang mga salita lalo na ng mga kabataan. Ang mga salita ay matalinghaga subalit may kahulugan upang mapag ingatan natin ang mga sarili at mapaghandaan ang kinabukasan.




Ang Buhay Mahirap

Saturday, April 9, 2022

Pulitiko at Kandidato

Friday, April 8, 2022


Pulitiko at Kandidato
Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales
Created: October 24, 2010


Malapit na ang botohan
Maraming proyekto pamahalaan
Kalsada aayusan at semento lalapatan
Para mabango ang pangalan.

Ang mga tao lalapitan
Mangangako na tutulungan
Pero hindi kana babalikan
Sasabihin ika'y nakalimutan.

Kahit napapagod sa lakaran
Kahit sila ay mahirapan
Basta may kapangyarihan
At dadami ang kayamanan.

Ang tao paglalaruan
Sa kanyang gimik at kalokohan
Kunwari para sa kahirapan
Yun pala magiging kawatan.

Pulitiko at kandidato 
Ang ganda ng kanilang kwento
Pagkatapos iboto at palarin sa pwesto
Makakalimutan na ang pangako sa tao.

Para silang mga tigre
Nagkalat na buetre
Mag-ingat ka pare
Serbisyo nila hindi na libre.
 

Followers

 

Donate Now

Gcash# 09560993325

Search This Blog

Tagalog Poems

Ads 200x200

Ads 200x200