Tagalog Poems

Pages

Feeling Pogi

Tuesday, August 9, 2022

Funny moments: May 7, 2019

Siyempre feeling pogi kapag may nagtanong sa'yo nang ganito
Millennium days, habang gumagawa ng computer sa shop si customer girl nagtanong.
Customer: kuya may asawa ka na ba?
Ako: smile lang
Customer: eh girlfriend?
Ako: smile lang ulit
Customer: yung bata kanina anak mo ba yun?
Ako: smile pa more
Misis: may nagtanong kung may asawa kana ano sinagot mo?
Ako: tumawa lang ako, nakakatuwa eh
Misis: bakit dimo sinagot yung tanong may balak ka hano?
Ako: smile 🤣😂🤣
Misis: Nicole, kapag bumalik yung babae at kinausap yung daddy mo sumigaw ka ng Daddy timpla mo kong gatas
Ako: hahahaha
At ganoon nga ang ginawa ng anak ko nung bumalik si customer.

Naghintay Ako

Wednesday, May 4, 2022

 


Naghintay Ako

Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
November 12-24, 2021
1.28 AM, Wednesday

Bakit hindi ka dumating
Makita ka lang aking hiling
Naghintay ako hanggang dilim
Hindi ka pala darating.

Labis akong nag-alala
Nagpabalik-balik sa kalsada
Hindi alam san pupunta
Dahil ikaw ina-alala.

Dahil sa iyong barkada
Ako na itsapwera
Ang hinihintay kong kasama
Hanggang panaginip lang pala.

Gusto kong sabihin I MISS YOU
Huwag mokong bigyan ng TISSUE
Kapag sinabi kong I LOVE YOU
Walang problema, walang ISSUE.

Ako sayo'y nagtapat
Ang pag-ibig ko'y inilahad
Pero hindi umangat
Hindi moko tinanggap.

Sa pagsubok dumaan
Dala ko'y kahihiyan
Kulang sa kakayahan
Tinanggap ko'y kapintasan.

Sa harap ng iyong kaibigan
Ako'y naging mangmang
Iba ang kanilang yabang
Hindi jko kayang sabayan.

Sa aking palagay
Hindi nga tayo bagay
Sa talino mong taglay
Wala akong maibibigay.

Love at First Sight

Monday, May 2, 2022


Love at First Sight
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
October 30, 2021


Narito ang binatang sa iyo'y humahanga
Hinihintay ang pagdungaw mo sa bintana
Para sa akin tulad mo ay tala
Liwanag sa akin na tumatama.


Ikaw ang pinakamagandang nakita ko
Tumibok ng malakas ang puso ko
Kung papana lang si Kupido
Ang unang tatamaan ay ako.


Parang love at first sight
Hindi makatulog sa night
Kahit gumamit nang dim light
Yung paningin ko bright.


Nais ko sanang magtanong
Yung puso ko kasi nakakahon
Puede kaya pagdating ng panahon
Ikaw at ako sa habang panahon.


Sa titig mong malagkit
Magandang mata at singkit
Parang puso'y sinumpit
Walang salitang masambit.


Kahit buhay ay maikli
kung minsan pag-ibig ay pili
Sa ganda ng iyong ngiti
Mahagkan sana ang labi.


Ang pagmasdan ka'y diko mapigil
Parang oras tumitigil
Walang ibang pinapansin
Kundi ikaw lang sa paningin.


Parang tumigil ang mundo
Napalapit ako sa'yo
At nagsabi ng ganito
Napa-ibig ako sa'yo.

Akala Nagbago

Saturday, April 30, 2022


Akala Nagbago

Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
Saturday, April 23, 2022

Bagong kasal lang tayo
Akala mo ako'y nagbago
Ikaw agad ay nagreklamo
Diko lang nasunod ang gusto.

Nagsigawan tayo, nainis ako
Binagsak ko ang pintuang ito
At naglaglagan mga nakasabit dito
Sa galit ko, sabay alis ako.

Sa aking pag-uwi
Ako'y pumikit sandali
Nakatulog ng madali
Paggising ko, sa inyo gusto mong umuwi.

Kaya ka pala tahimik
Binabalot mga damit
Hindi ka naman umiimik
Habang ako'y nakapikit.

Pagtingin ko sa kwarto
Wala mga damit mo dito
Lumabas agad ako
Inabutan ka sa kanto.

Tumakbo ako ng mabilis
Para hindi ka makaalis
Huwag kang aalis
Mababaliw ako ng labis.

Kapag ika'y hinayaan
Puso ko'y masasaktan
Kaya't Ika'y pipigilan
Sa balak mong paglisan.

Akin na ang gamit mo
Huwag kana umiyak mahal ko
Hindi naman ako nagbago
Nainis lang ako.

Yayakapin ka ng mahigpit
Hahalikan ng paulit-ulit
Nais mo bang marinig
Pag-ibig ko sa'yo hanggang langit.

Ayokong ika'y saktan
Hindi ko lang naiwasan
Na ikaw ay sigawan
Kasi naman ayaw mo kong pakinggan.

Puede mo bang mapatawad
Akin na iyong palad
Mayroon akong ilalahad
Ako'y naging mapalad.




Mag-aral ng Maikling Tula

Maikling Tula 

ni Lawrence R. Gonzales

Ang tula ay nakakamangha
Pinagsama-samang salita
Pagbigkas ko'y nakakatuwa
Dahil sa ganda ng tugma

Salitang babanggitin
Nagmula sa damdamin
Kaibig-ibig bigkasin
Kaaya-ayang usapin

Halina at basahin
Ang laman ng damdamin
Humarap sa salamin
at aking sasabihin.

Followers

 

Donate Now

Gcash# 09560993325

Search This Blog

Tagalog Poems

Ads 200x200

Ads 200x200