kapag bata kapa tumatakbo ang buhay at isip mo sa ilusyon ng napapanood mo sa TV, gustong maging Hero na may power. Minimum push-up 30 at maximum 50 ganun din sa sit-up, may side split at center split ka pa nga na ginagaya si Jean Claude Van Damme, naghahanap ng anting-anting o agimat sa gubat gaya ni Pedro Penduko at kinakausap ang mga hayop tulad ni Beast Master. Gustong maging Pulis kalawakan tulad ni Shaider, Lahat ng tao parang gusto mong awayin dahil sa masasamang ugali mukha silang monster. Ang panahon ng kabataan ay masaya at walang problema, yun nga lang mapusok at sarili lang ang inaalala.
Pages
Kung minsan ang buhay parang langgam
Ang buhay ng tao ay parang sa langgam masipag at laging naghahanap ng kanyang ikabubuhay, subalit hindi niya nalalaman na sa gitna ng kanyang kaabalahan ay mayroong kapahamakan sapagkat mali ang landas na kanyang nilalakaran, dahil sumusunod lang sya sa karamihan.
Kung minsan ang buhay parang chess
Kung minsan ang buhay parang chess lang 3 moves lang tapos kana at kapag touch move naman kasubuan na, anuman ang mangyari kailangan mong tanggapin dahil alam mong mali ka na, kaya natututo tayong mag-ingat at mag-isip na mabuti.
Matatawa kana lang
Kung minsan ang buhay parang comedy matatawa kana lang
nag plancha ng polo ganda ng ayos nang suotin bitin, nag suot ng pantalon pag upo butas.Ang Buhay Parang Comedy
Kung minsan ang buhay parang comedy lang kailangan mong pagtawanan yung mga kapalpakan mo sa bahay
nagsalin ka ng tubig sa water dispenser sira pala yung galon, habang nagpapaligo ka ng aso bumabaha na pala yung kusina, inalis mo yung galon sa dispenser para mag alis ng tubig tapos need mong maglimas ng tubig sa sahig dahil maraming tumapon at dahil walang takip yung dispenser kumuha ka ng plato para itakip pero nang ipagpag mo sa palad mo nasira yung plato at nabutas yung gitna at biglang sasabihin ng anak mo "lagot ka kay mommy konti na nga lang plato natin nasira mo pa, trouble maker ka daddy"
Subscribe to:
Posts (Atom)