Sa larong chess kapag hinamon ka ng kaaway na queen to queen huwag kang kakagat dahil ikaw din ang mahihirapan maliban na lamang kung wala kang ibang daan o choice kailangan mong makipagsapalaran sa mahirap na buhay. Parang si satanas ilalagay ka niya sa bingit ng kamatayan at kahihiyan pero nasa iyong laban o desisyon kung ika'y mabibigo o susuko na lamang, kailangan mong protektahan ang Hari at kanyang karangalan hanggang wakas at siya ang iyong Panginoong Jesus.
Pages
Kapag bata kapa
kapag bata kapa tumatakbo ang buhay at isip mo sa ilusyon ng napapanood mo sa TV, gustong maging Hero na may power. Minimum push-up 30 at maximum 50 ganun din sa sit-up, may side split at center split ka pa nga na ginagaya si Jean Claude Van Damme, naghahanap ng anting-anting o agimat sa gubat gaya ni Pedro Penduko at kinakausap ang mga hayop tulad ni Beast Master. Gustong maging Pulis kalawakan tulad ni Shaider, Lahat ng tao parang gusto mong awayin dahil sa masasamang ugali mukha silang monster. Ang panahon ng kabataan ay masaya at walang problema, yun nga lang mapusok at sarili lang ang inaalala.
Kung minsan ang buhay parang langgam
Ang buhay ng tao ay parang sa langgam masipag at laging naghahanap ng kanyang ikabubuhay, subalit hindi niya nalalaman na sa gitna ng kanyang kaabalahan ay mayroong kapahamakan sapagkat mali ang landas na kanyang nilalakaran, dahil sumusunod lang sya sa karamihan.
Kung minsan ang buhay parang chess
Kung minsan ang buhay parang chess lang 3 moves lang tapos kana at kapag touch move naman kasubuan na, anuman ang mangyari kailangan mong tanggapin dahil alam mong mali ka na, kaya natututo tayong mag-ingat at mag-isip na mabuti.
Matatawa kana lang
Kung minsan ang buhay parang comedy matatawa kana lang
nag plancha ng polo ganda ng ayos nang suotin bitin, nag suot ng pantalon pag upo butas.