Tagalog Poems

Pages

Tinapay

Friday, September 9, 2022

Usapang mag tatay 😁
Anak: Dad, nagugutom ako
Tatay: magluto ka
Anak: ako na naman
Tatay: may tinapay sa mesa
Anak: ano gagawin ko sa tinapay?
Tatay: gawin mong pataba sa lupa
Anak: Hahahaha

Advance Happy Anniversary

Wednesday, August 10, 2022

Kapag binati mo ng advance happy anniversary ang misis mo at sumagot ng "pangit mo ba" ibig sabihin kinilig yun 🤣😂😅

Sa larong chess

Tuesday, August 9, 2022

Sa larong chess kapag hinamon ka ng kaaway na queen to queen huwag kang kakagat dahil ikaw din ang mahihirapan maliban na lamang kung wala kang ibang daan o choice kailangan mong makipagsapalaran sa mahirap na buhay. Parang si satanas ilalagay ka niya sa bingit ng kamatayan at kahihiyan pero nasa iyong laban o desisyon kung ika'y mabibigo o susuko na lamang, kailangan mong protektahan ang Hari at kanyang karangalan hanggang wakas at siya ang iyong Panginoong Jesus.

Kapag bata kapa

kapag bata kapa tumatakbo ang buhay at isip mo sa ilusyon ng napapanood mo sa TV, gustong maging Hero na may power. Minimum push-up 30 at maximum 50 ganun din sa sit-up, may side split at center split ka pa nga na ginagaya si Jean Claude Van Damme, naghahanap ng anting-anting o agimat sa gubat gaya ni Pedro Penduko at kinakausap ang mga hayop tulad ni Beast Master. Gustong maging Pulis kalawakan tulad ni Shaider, Lahat ng tao parang gusto mong awayin dahil sa masasamang ugali mukha silang monster. Ang panahon ng kabataan ay masaya at walang problema, yun nga lang mapusok at sarili lang ang inaalala.

Kung minsan ang buhay parang langgam

Ang buhay ng tao ay parang sa langgam masipag at laging naghahanap ng kanyang ikabubuhay, subalit hindi niya nalalaman na sa gitna ng kanyang kaabalahan ay mayroong kapahamakan sapagkat mali ang landas na kanyang nilalakaran, dahil sumusunod lang sya sa karamihan.

Followers

 

Donate Now

Gcash# 09560993325

Search This Blog

Tagalog Poems

Ads 200x200

Ads 200x200