Pages

Parang Girlfriend

Tuesday, August 9, 2022

Funny moments: July 4, 2019

sa shop noong cute pako 😁
Bunso: kuya may nagpuntang babae dito nagagalit sa'yo nangako ka daw na pupunta sa bahay nila dika nagpupunta hinihintay kadaw nya. Ang sabi nya "wala kadaw isang salita" sino ba iyon?
Ako: ah nagpapagawa ng computer 😁
Bunso: bakit ganon mag react yun parang girlfriend na hindi sinisipot ng boyfriend. Hoy! Kuya may asawa kana isusumbong kita kay ate.😤
Ako: hindi ko nga alam pangalan nun eh 😁😁😁🤷‍♂️

Tabulation

Funny moments: October 2, 2020

Tabulation
Sir. Lawrence, Foreigner yung Judge, ikaw na kumausap tungkol sa excel.
Ako: Hi! Sir, You see here, here and here, enter here. OK Sir
Foreigner: Ok, I understand 👍
Ako: Huh hirap 😂🤣😂🤣

Iba talaga mag-isip ang babae

Funny moments: May 19, 2021

iba talaga mag-isip ang babae sa lalaki.
Misis: bakit lawlaw yung pantalon mo?
Ako: ibig sabihin pumayat ako lumuwag yung pantalon ko oh!
Misis: anong pumayat? Lalo nga lumaki tiyan mo kaya bumaba yung pantalon mo.
Ako: ha talaga parang hindi naman di ko napansin yun 🤣😂

Butones

Funny moments: July 9, 2021

Ngayon ako naniniwala na tumaba nga ulit ako, akalain mong pagyuko ko tumalsik yung butones at kawit ng pantalon ko buti nalang nasa bahay pa'ko.

Sa Tindahan

Funny moments: November 10, 2021

Bumili ako ng slice bread sa tindahan biglang may lumapit na matandang babae.
Lola: Pahingi pamasahe
Ako: hindi po ako nagbibigay ng pera gusto nyo po pagkain nalang.
Lola: ayoko gusto ko pera pamasahe
Ako: pamasahe po saan po kayo pupunta
Lola: bigla akong inambaan na papaluin sa ulo.

Kimchi

Funny moments: July 11, 2022

Daddy: Anak, bumili ka ng kimchi
Bunso: Hindi masarap yung nabili ko Daddy maasim
Daddy: tama lang yung lasa nya maasim pangontra dun sa fried egg na niluto mong sobrang alat daig pa yung adobo
Bunso: 🤨 Daddy ang sama mo
Daddy: 🤣😂

Sayang na itlog

 Funny moments: December 18, 2021

Pag-uwi sa bahay magluluto ng egg para iprito naghanda ng kawali at mangkok hinati sa gitna ang egg at pagkatapos inihulog sa lababo sa halip na sa mangkok.
Misis: Yan ang katibayan na makakalimutin kana
Anak: Ano ba yan Dee? Sinayang mo lang mayaman
Ako: 🤦‍♂️😁🤣😂

Feeling Pogi

Funny moments: May 7, 2019

Siyempre feeling pogi kapag may nagtanong sa'yo nang ganito
Millennium days, habang gumagawa ng computer sa shop si customer girl nagtanong.
Customer: kuya may asawa ka na ba?
Ako: smile lang
Customer: eh girlfriend?
Ako: smile lang ulit
Customer: yung bata kanina anak mo ba yun?
Ako: smile pa more
Misis: may nagtanong kung may asawa kana ano sinagot mo?
Ako: tumawa lang ako, nakakatuwa eh
Misis: bakit dimo sinagot yung tanong may balak ka hano?
Ako: smile 🤣😂🤣
Misis: Nicole, kapag bumalik yung babae at kinausap yung daddy mo sumigaw ka ng Daddy timpla mo kong gatas
Ako: hahahaha
At ganoon nga ang ginawa ng anak ko nung bumalik si customer.

Naghintay Ako

Wednesday, May 4, 2022

 


Naghintay Ako

Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
November 12-24, 2021
1.28 AM, Wednesday

Bakit hindi ka dumating
Makita ka lang aking hiling
Naghintay ako hanggang dilim
Hindi ka pala darating.

Labis akong nag-alala
Nagpabalik-balik sa kalsada
Hindi alam san pupunta
Dahil ikaw ina-alala.

Dahil sa iyong barkada
Ako na itsapwera
Ang hinihintay kong kasama
Hanggang panaginip lang pala.

Gusto kong sabihin I MISS YOU
Huwag mokong bigyan ng TISSUE
Kapag sinabi kong I LOVE YOU
Walang problema, walang ISSUE.

Ako sayo'y nagtapat
Ang pag-ibig ko'y inilahad
Pero hindi umangat
Hindi moko tinanggap.

Sa pagsubok dumaan
Dala ko'y kahihiyan
Kulang sa kakayahan
Tinanggap ko'y kapintasan.

Sa harap ng iyong kaibigan
Ako'y naging mangmang
Iba ang kanilang yabang
Hindi jko kayang sabayan.

Sa aking palagay
Hindi nga tayo bagay
Sa talino mong taglay
Wala akong maibibigay.

Love at First Sight

Monday, May 2, 2022


Love at First Sight
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
October 30, 2021


Narito ang binatang sa iyo'y humahanga
Hinihintay ang pagdungaw mo sa bintana
Para sa akin tulad mo ay tala
Liwanag sa akin na tumatama.


Ikaw ang pinakamagandang nakita ko
Tumibok ng malakas ang puso ko
Kung papana lang si Kupido
Ang unang tatamaan ay ako.


Parang love at first sight
Hindi makatulog sa night
Kahit gumamit nang dim light
Yung paningin ko bright.


Nais ko sanang magtanong
Yung puso ko kasi nakakahon
Puede kaya pagdating ng panahon
Ikaw at ako sa habang panahon.


Sa titig mong malagkit
Magandang mata at singkit
Parang puso'y sinumpit
Walang salitang masambit.


Kahit buhay ay maikli
kung minsan pag-ibig ay pili
Sa ganda ng iyong ngiti
Mahagkan sana ang labi.


Ang pagmasdan ka'y diko mapigil
Parang oras tumitigil
Walang ibang pinapansin
Kundi ikaw lang sa paningin.


Parang tumigil ang mundo
Napalapit ako sa'yo
At nagsabi ng ganito
Napa-ibig ako sa'yo.

Followers

 

Search This Blog

Tagalog Poems

Ads 200x200

Ads 200x200