Pages

Bagay ba?

Friday, September 9, 2022

Usapang mag-asawa:

Wife: wow bago, bagay yung suot
Ako: bagay ba? Pogi ba? 😁
Wife: Oo, naman
Ako: talaga! Kaya pala nakatingin yung babae sa'kin kanina nung naglalakad ako, tinitigan pa nga ako sa mata 😁
Wife: yabang mo! Suntukin kaya kita
Ako: 😁😁😁

Tinapay

Usapang mag tatay 😁
Anak: Dad, nagugutom ako
Tatay: magluto ka
Anak: ako na naman
Tatay: may tinapay sa mesa
Anak: ano gagawin ko sa tinapay?
Tatay: gawin mong pataba sa lupa
Anak: Hahahaha

Advance Happy Anniversary

Wednesday, August 10, 2022

Kapag binati mo ng advance happy anniversary ang misis mo at sumagot ng "pangit mo ba" ibig sabihin kinilig yun 🤣😂😅

Sa larong chess

Tuesday, August 9, 2022

Sa larong chess kapag hinamon ka ng kaaway na queen to queen huwag kang kakagat dahil ikaw din ang mahihirapan maliban na lamang kung wala kang ibang daan o choice kailangan mong makipagsapalaran sa mahirap na buhay. Parang si satanas ilalagay ka niya sa bingit ng kamatayan at kahihiyan pero nasa iyong laban o desisyon kung ika'y mabibigo o susuko na lamang, kailangan mong protektahan ang Hari at kanyang karangalan hanggang wakas at siya ang iyong Panginoong Jesus.

Kapag bata kapa

kapag bata kapa tumatakbo ang buhay at isip mo sa ilusyon ng napapanood mo sa TV, gustong maging Hero na may power. Minimum push-up 30 at maximum 50 ganun din sa sit-up, may side split at center split ka pa nga na ginagaya si Jean Claude Van Damme, naghahanap ng anting-anting o agimat sa gubat gaya ni Pedro Penduko at kinakausap ang mga hayop tulad ni Beast Master. Gustong maging Pulis kalawakan tulad ni Shaider, Lahat ng tao parang gusto mong awayin dahil sa masasamang ugali mukha silang monster. Ang panahon ng kabataan ay masaya at walang problema, yun nga lang mapusok at sarili lang ang inaalala.

Kung minsan ang buhay parang langgam

Ang buhay ng tao ay parang sa langgam masipag at laging naghahanap ng kanyang ikabubuhay, subalit hindi niya nalalaman na sa gitna ng kanyang kaabalahan ay mayroong kapahamakan sapagkat mali ang landas na kanyang nilalakaran, dahil sumusunod lang sya sa karamihan.

Kung minsan ang buhay parang chess

Kung minsan ang buhay parang chess lang 3 moves lang tapos kana at kapag touch move naman kasubuan na, anuman ang mangyari kailangan mong tanggapin dahil alam mong mali ka na, kaya natututo tayong mag-ingat at mag-isip na mabuti.

Matatawa kana lang

 Kung minsan ang buhay parang comedy matatawa kana lang

😁 nag plancha ng polo ganda ng ayos nang suotin bitin, nag suot ng pantalon pag upo butas. 😆

Ang Buhay Parang Comedy

Kung minsan ang buhay parang comedy lang kailangan mong pagtawanan yung mga kapalpakan mo sa bahay

😁 nagsalin ka ng tubig sa water dispenser sira pala yung galon, habang nagpapaligo ka ng aso bumabaha na pala yung kusina, inalis mo yung galon sa dispenser para mag alis ng tubig tapos need mong maglimas ng tubig sa sahig dahil maraming tumapon at dahil walang takip yung dispenser kumuha ka ng plato para itakip pero nang ipagpag mo sa palad mo nasira yung plato at nabutas yung gitna 🤣😂 at biglang sasabihin ng anak mo "lagot ka kay mommy konti na nga lang plato natin nasira mo pa, trouble maker ka daddy" 🤣😂

Sponge Bob Green Lanterns Oath


June 24, 2020

THE SPONGE BOB GREEN LANTERNS OATH
ANG BASO AY HAWAKAN
PINGGAN AY HUGASAN
TAPOS AY INGATAN
HINDI KA MABABASAGAN
KAPAG INUTUSAN
WALANG PADYAKAN

Followers

 

Search This Blog

Tagalog Poems

Ads 200x200

Ads 200x200