Tagalog Poems

Pages

Pulubi

Friday, November 4, 2011


Pulubi
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
Mach 11, 2011 - Revised Nov. 6, 2021

Isang pulubi sa kalsada
Naghihintay abutan ng barya
Wala daw s'yang pamilya
Na tutulong sa kanya.

Gusto mo s'yang tulungan
Pero hindi ka mayaman
sa paanong paraan?
Bigyan mo ng tanghalian.

Ang kanyang tulugan
Gilid ng simbahan
Ang kanyang tahanan
Malawak nitong bakuran.

Butas-butas na damit
Parang basahan pinag kabit-kabit
Namamalimos sa gitna ng init
Kanyang balat parang napupunit.

Iyong pagmasdan kanyang katandaan
Dapat nating kaawaan
Araw-araw pinagtatabuyan
Nakakatakot ding maranasan.

Ms. Landicho - Guro


Ms. Landicho - Guro
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
Created: March 11, 2011 - Revised: September 15, 2020

Ako ay hindi matalino
Pero hindi rin bobo
May konting talento
Na maipagmamalaki ko.

Tumatambay sa kanto
Naglalaro ng singko
Ayoko ng basag-ulo
Umiiwas sa gulo.

Doon sa Gallardo
May estudyanteng gago
Pati teacher niloloko
kaya galit si Ms. Landicho.

Siya'y matapang na guro
Hindi basta sumusuko
Huwag maingay, ingat sa palo
Pag ika'y nakita kurot sa nguso.

Kapag siya'y nagalit
lahat ay tahimik
Kung wala kang assignment
Tenga mo'y mapupunit.

Sa nag-aaway pumapagitan
Dinadaan nalang sa paligsahan
Nagtuturo ng kabutihan
Lahat ay nagiging kaibigan.

Estudyante sumipag -mag-aral
Pinagmamalaki ngayon ng magulang
Lagi siyang pinasasalamatan
At hindi rin nakakalimutan.

Torpe


Torpe
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
Created: March 11, 2011 - Revised: September 15, 2020

Puso at isip nag-aaway
Hindi ako mapalagay
Nakita kang may kaakbay
Parang ako'y mamamatay.

Kapag ika'y nasa tabi
Wala naman akong masabi
Para akong pipi
Naghahanap ng kakampi.

Lagi kitang pinagmamasdan
Ikaw ang laman ng aking dasal
Pangarap kong inaasam
Sa akin ka makasal.

Ikaw sa aking isip
Narito sa panaginip
Paulit-ulit na sinasambit
Pag-ibig mo sana'y masungkit.

Mukhang pag-ibig na ito
Sana nga ay totoo
Kung puede lang tayo
Lahat gagawin para sa'yo.

 Kung ako'y maghihintay
Gusto ko munang maglakbay
Pagod na pusong nagbabantay
Ikaw lamang ang hinihintay.

My J.D.



Victor

Followers

 

Donate Now

Gcash# 09560993325

Search This Blog

Tagalog Poems

Ads 200x200

Ads 200x200