Tagalog Poems

Pages

Puso at Isip

Monday, November 7, 2011




Puso at Isip
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
Created: June 11, 2011


Huminga ng malalim at pumikit
Damhin ang hanging nagmumukla sa langit
Katahimikan ng puso at isip ay mararamdaman
Kaloob ng langit ay kapayapaan.

Isang kalungkutan, libong kaligayan
Huwag magpatalo at maging matapang
Ang hamon ng buhay ay sadyang makulay
Ika'y magpasalamat sa Diyos na buhay.

Pagkat binigyan ka ng buhay
Dito sa mundo ika'y nagkamalay
Kailangan mong manatiling buhay
Para sa mga mahal mo sa buhay.

Harapin ang pagsubok ng buong tapang
Huwag na huwag kang mag-alinlangan
Ang Diyos ay lubos na nagmamahal
Siya lang ang iyong maaasahan.

Ang puso ay sagisag ng pagmamahal
Ang isip ay katalinuhan
Ang dibdib ay katapangan
Kaya lagi mo sanang tandaan.

Si Hesus ay sandigan
Lagi s'yang maaasahan
Magtiwala sa kanyang kapangyarihan
Nangakong hindi ka pababayaan.

Dalangin


Dalangin
Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales
Created: June 11, 2011 - Revised: September 13, 2020

Ang kabutihan ay masusuklian
Sa paanomg paraan ay hindi alam
Lagi lang manalig at magdasal
Mararamdaman ang kanyang pagmamahal.

Amang nasa langit, kahit ako ay makulit
Ang pag-big mo ay hindi maliit
Ako ay susunod at luluhod
Hanggang ang tuhod ko'y maging tuod.

Oh! Diyos na aking hari, Ama ng aking lahi
Gabayan mo ang aking lipi, ang buhay ko ikaw ang may-ari
Aking pagkakamali, patawad ang minimithi
Sa bawat sandali, ikaw ang papawi.

Diyablo na walang alam na laging nakaabang
Kami'y tigilan, Diyos namin ay makapangyarihan
Panalangin kong taglay, hindi ito sasablay
Pagkat ang Panginoong Hesus ang siyang aking gabay.

Kahulugan ng Pasko

Friday, November 4, 2011


Kahulugan ng Pasko
Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales
Created: December 23, 2010 - Revised: September 13, 2020


Ang pasko ay si Hesus
Isinilang anak ng Diyos
At siya ang tutubos
Upang kasalanan ay matapos.

Tatlong pantas ay nag-alay
Buhat sa malayo sila'y naglakbay
Upang makita ang Diyos na buhay
Kay Lord Jesus sila ay nagpugay.

Ang pasko ay pagmamahalan
Tinubos ang ating kasalanan
Dapat lang na siya'y pasalamatan
Ang ginawa niya'y huwag kalimutan.

Huwag nang sisihin ang may kasalanan
Magpatawad yan ang kailangan
kung ika'y nasaktan, iyo nang kalimutan
At simulan ang buhay na may katahimikan.

Ang pasko ay pagbibigayan
Buhay ni Lord Jesus sa atin inilaan
Kapalit ay ating kaligtasan
Inako niya ang ating kasalanan.

Ang pasko ay pagkakaisa
Salamat Lord Jesus, Ika'y nakilala
Dahil sa iyo marami akong kasama
Nagpupuri sa iyo at sumasamba.

Ang pasko ay pag-ibig
Si Lord Jesus laging nasa isip
Para sa kanya ang aking tinig
Buong puso na umaawit.

Ika'y dapat makilala ng tao
Pagkat ikaw ang sagot sa tawag ng saklolo
Pangako ng Diyos ay tapat at totoo
Emmanuel, ang Diyos ay kasama natin rito.

Pulubi


Pulubi
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
Mach 11, 2011 - Revised Nov. 6, 2021

Isang pulubi sa kalsada
Naghihintay abutan ng barya
Wala daw s'yang pamilya
Na tutulong sa kanya.

Gusto mo s'yang tulungan
Pero hindi ka mayaman
sa paanong paraan?
Bigyan mo ng tanghalian.

Ang kanyang tulugan
Gilid ng simbahan
Ang kanyang tahanan
Malawak nitong bakuran.

Butas-butas na damit
Parang basahan pinag kabit-kabit
Namamalimos sa gitna ng init
Kanyang balat parang napupunit.

Iyong pagmasdan kanyang katandaan
Dapat nating kaawaan
Araw-araw pinagtatabuyan
Nakakatakot ding maranasan.

Ms. Landicho - Guro


Ms. Landicho - Guro
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
Created: March 11, 2011 - Revised: September 15, 2020

Ako ay hindi matalino
Pero hindi rin bobo
May konting talento
Na maipagmamalaki ko.

Tumatambay sa kanto
Naglalaro ng singko
Ayoko ng basag-ulo
Umiiwas sa gulo.

Doon sa Gallardo
May estudyanteng gago
Pati teacher niloloko
kaya galit si Ms. Landicho.

Siya'y matapang na guro
Hindi basta sumusuko
Huwag maingay, ingat sa palo
Pag ika'y nakita kurot sa nguso.

Kapag siya'y nagalit
lahat ay tahimik
Kung wala kang assignment
Tenga mo'y mapupunit.

Sa nag-aaway pumapagitan
Dinadaan nalang sa paligsahan
Nagtuturo ng kabutihan
Lahat ay nagiging kaibigan.

Estudyante sumipag -mag-aral
Pinagmamalaki ngayon ng magulang
Lagi siyang pinasasalamatan
At hindi rin nakakalimutan.

Followers

 

Donate Now

Gcash# 09560993325

Search This Blog

Tagalog Poems

Ads 200x200

Ads 200x200