Pages
Inggit
Saturday, November 6, 2021
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
November 11, 2021
Ang inggit ay parang tinik,
Kapag tumusok ay masakit
Parang galamay ng pusit
Matindi kung kumapit,
Inggit layunin mo'y manakit
Wala naman ginagawa ika'y nagagalit
Ayusin mo trabaho, huwag kang makulit
Para dika pagalitan ulit.
Huwag kang magtanim ng galit
Yung ugali mo papangit
Huwag ka ng mainngit
Alisin ang hinanakit.
Huwag kang gumawa ng chismis
Huwag karin mang-inis
Masama yung kwentong madungis
Manira ng pangalang malinis.
Baka magkaroon ka ng sungay
Kapag masamang gawa ay panay
Kaya hindi ka mapalagay
Malayo sa'yo ang tagumpay.
Layunin mo'y mapa-alis
Gusto ng posisyong mabilis
Akala mo naman siya'y malinis
Pag-uugali naman ay galis.
Love Letter
Thursday, November 4, 2021
Love Letter
Ni Lawrence R. Gonzales
July 25, 2020
Kay tagal naman dumating
Sulat mo lang aking hiling
Mula umaga hanggang dilim
Inaabangan kong ibigay sa akin.
Ano kaya itong pagmamahal
Parang pamasahe kay mahal
Kung ako kaya ay magtanghal
Pansinin kaya ako ng minamahal.
Nasa bintana nakatingin
Kailan kaya darating
Sulat mong paparating
Kartero dumaan ka sa'min.
Ang sulat kong nais iparating
Naglalaman ng aking damdamin
Nasasabik akong sulat mo’y basahin
Nais kong malaman ang tugon mo sa akin.
Napakalayo ng ating pagitan
Ganito ba talaga ang sukatan
Kailangan pa ng barko para puntahan
Eroplano para ika’y masilayan.
Nasasabik na ika'y puntahan
Ikuwento ang pinagdaanan
Sa dami ng aking nilakaran
Dika nawaglit sa isipan.
Yung larawang hawak ko
Nawala sa paningin ko
Sa tagal ng paghihintay ko
Hindi parin pala tayo.
Laging Cellphone Hawak
Saturday, October 16, 2021
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
October 16, 2021
Ang katamaran ay kakambal ng kagutuman
Lalo na yung mga batang ayaw mautusan
Magtatampo pa yan kapag pinagsabihan
Hahaba ang nguso at padabog-dabog pa'yan.
Sasabihin pang ako nalang lagi inuutusan
Gayung s'ya lang naman kasama sa tahanan
Sasabihin pang dami namang uurungan
Kasi naman kagabi pa yung pinagkainan.
Inabutan na nang tanghalian
Dumami tuloy huhugasan
Naipon tuloy ang urungan
Kasi naman, kagabi kapa inuutusan.
Kakanood ng Korean Drama
Pati linya nakukuha
Kung minsan parang artista
Pati eksena ginagaya.
Kapag nagugutom naghahanap ng pagkain
Kapag luto na kay hirap naman tawagin
Ayaw naman magluto para makakain
Ang gusto lagi nalang ipaghahain.
Lagi nalang sa cellphone nakatingin
Kaya yung oras hindi napapansin
Kahit sa oras ng pagkain
Kasama parin kumakain.
Cellphone ay laging hawak
Hindi mo na matawag
Lagi nalang nakababad
Hindi na nilalapag.
Hindi kaba napapagod
Sumasakit ang mata kakanood
Okey lang ba iyong likod
Nakataas pa ang tuhod.
Captain Barbell
Friday, September 18, 2020
Captain Barbell
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
September 18, 2020
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
September 18, 2020
Kilala moba si teng-teng?
Yung binatang patpatin
May tinatago siyang lihim
Siya pala si Captain Barbell.
Tingnan mo nga naman
Wala tayong kaalam-alam
Yung inaapi't pinagmamalupitan
Tagapagligtas pala ng taong-bayan.
Kapag siya'y nagpapalit
Yung kilos bumibilis
Laging lumilipad paalis
Hindi makausap kahit saglit.
Kayong masasama dapat mag-ingat
Huwag kayong pakalat-kalat
Kapag inabutan kayo ng malas
Siguradong tanggal ang inyong angas.
Huwag kayong pakalat-kalat
Kapag inabutan kayo ng malas
Siguradong tanggal ang inyong angas.
Marami siyang kalaban
Meron ding kapangyarihan
Ginagamit sa kasamaan
maghahasik ng kaguluhan.
Nagpakasal sila ni Lea
Matagal din silang nagsama
Nangarap bumuo ng pamilya
Mamumuhay ng maligaya.
Habang nasa pasyalan
Hindi nila naiwasan
Yung atake ng kalaban
Kasama si lea sa tinamaan.
Itong si teng gustong manakit
Sa sobrang galit at sakit
Namatay si Lea, ang pait
Pati ang kanyang ipinagbubuntis.
Subscribe to:
Posts (Atom)