Tagalog Poems

Pages

Mga Uri ng Tula?

Tuesday, November 30, 2021

Sagot: mula sa TAKDANG ARALIN educational blog...
By Lhenn

Ano ang Tula? 

Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.
Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang diwa at sining ng kariktan.
Sinasabing may magandang diwa ang isang tula kung may makukuhang magandang halimbawa ditto.  May sining ng kariktan naman kung ang mga pananalitang ginamit ay piling-pili at naaayon sa mabuting panlasa.




Mga Uri ng Tula  
1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) – Ito ay nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap at iba’t-ibang damdaming maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao.  Ito ay maikli at payak. 
Uri ng Tulang Liriko
    1. Awit – Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan. 
    2. Soneto – Nagtataglay ito ng mga aral ng buhay, may labing apat na taludtod; ang nilalaman ay tungkol sa damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
    3. Oda – Ito ay pumupuri sa sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao, masigla ang nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod.
    4. Elehiya – Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.
    5. Dalit – Ito ay tulang nagpaparangal sa Dakilang Lumikha at may kahalong pilosopiya sa buhay.

2.  Tulang Pasalaysay (narrative poetry) – Ito ay naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay.  Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma. 

Uri ng Tulang Pasalaysay
a.       Epiko – Ito ay nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao, ang kanyang pakikitunggali sa mga kaaway at mga tagumpay niya sa digmaan.  Hindi kapanipaniwala ang ibang mga pangyayari at maituturing na kababalaghan.
b.      Awit at kurido – Ito ay tungkol sa mga paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa mga kaharian tulad ng hari, reyna, prinsipe, prinsesa, duke, konde at iba pang dugong mahal na ang layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo.  Ang mga awit at kurido ay dala rito ng mga Kastila.
c.       Karaniwang Tulang Pasalaysay – Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay.


3.  Tulang Patnigan (joustic poetry) – Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan

                   

 4.  Tulang Pantanghalan o Padula – Katulad din ito ng karaniwang dula, ang kaibahan lang, ito ay binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa paraang patula.  Maaaring isama sa uring ito ang mga tulang binibigkas sa sarswela at komedya. 

                  
Mga Sangkap ng Tula

1. Sukat. Ang sukat ay bilang ng pantig sa bawat taludtod sa isang saknong. Ang bawat taludtod ay maaaring magkaroon ng walo, labindalawa, labing-anim, o labingwalong pantig.
2. Tugma. Ang tugma ay pagkakatulad ng tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod. May dalawang uri ng tugma:
a. Karaniwang tugma (ordinary rhyme). Kung ang bigkas na malumay at mabilis o malumi at maragsa ay magkasama sa huling pantig ng mga taludtod sa isang saknong, ito ay karaniwang tugma.
b. Ganap na tugma (exact rhyme). Sa ganap na tugma, ang huling pantig ng bawat taludtod ay nagtatapos sa isang tunog.
3. Kariktan. Ang kariktan ay kagandahan ng isipan at diwang inilalarawan sa tula. Kasama na rin ditto ang kagandahan ng mga pananalitang pinili ng makata upang iangkop sa isipan o diwang ipinahahayag ng mga taludtod.
4. Talinghaga. Ang talinghaga ay mga pahayag na may mga nakatagong kahulugan o di-tuwirang tinutukoy. Maaaring ang sinasabing “naggagandahang bulaklak sa hardin ang aking daigdig” ay ang magagandang dalaga sa kanyang ginagalawang lipunan.

                 

Soulmate

Wednesday, November 24, 2021





Inggit

Saturday, November 6, 2021


Inggit
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
November 11, 2021

Ang inggit ay parang tinik, 
Kapag tumusok ay masakit
Parang galamay ng pusit
Matindi kung kumapit, 

Inggit layunin mo'y manakit
Wala naman ginagawa ika'y nagagalit
Ayusin mo trabaho, huwag kang makulit
Para dika pagalitan ulit.

Huwag kang magtanim ng galit
Yung ugali mo papangit
Huwag ka ng mainngit
Alisin ang hinanakit.

Huwag kang gumawa ng chismis
Huwag karin mang-inis
Masama yung kwentong madungis
Manira ng pangalang malinis.

Baka magkaroon ka ng sungay
Kapag masamang gawa ay panay
Kaya hindi ka mapalagay
Malayo sa'yo ang tagumpay.

Layunin mo'y mapa-alis
Gusto ng posisyong mabilis
Akala mo naman siya'y malinis
Pag-uugali naman ay galis.

Love Letter

Thursday, November 4, 2021

Love Letter
Ni Lawrence RGonzales
July 25, 2020

Kay tagal naman dumating
Sulat mo lang aking hiling
Mula umaga hanggang dilim
Inaabangan kong ibigay sa akin.

Ano kaya itong pagmamahal
Parang pamasahe kay mahal
Kung ako kaya ay magtanghal
Pansinin kaya ako ng minamahal.

Nasa bintana nakatingin
Kailan kaya darating
Sulat mong paparating
Kartero dumaan ka sa'min.

Ang sulat kong nais iparating
Naglalaman ng aking damdamin
Nasasabik akong sulat mo’y basahin
Nais kong malaman ang tugon mo sa akin.

Napakalayo ng ating pagitan
Ganito ba talaga ang sukatan
Kailangan pa ng barko para puntahan
Eroplano para ika’y masilayan.

Nasasabik na ika'y puntahan
Ikuwento ang pinagdaanan
Sa dami ng aking nilakaran
Dika nawaglit sa isipan.

Yung larawang hawak ko
Nawala sa paningin ko
Sa tagal ng paghihintay ko
Hindi parin pala tayo.

Laging Cellphone Hawak

Saturday, October 16, 2021


Laging Cellphone Hawak
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
October 16, 2021

Ang katamaran ay kakambal ng kagutuman
Lalo na yung mga batang ayaw mautusan
Magtatampo pa yan kapag pinagsabihan
Hahaba ang nguso at padabog-dabog pa'yan.

Sasabihin pang ako nalang lagi inuutusan
Gayung s'ya lang naman kasama sa tahanan
Sasabihin pang dami namang uurungan
Kasi naman kagabi pa yung pinagkainan.

Inabutan na nang tanghalian
Dumami tuloy huhugasan
Naipon tuloy ang urungan
Kasi naman, kagabi kapa inuutusan.

Kakanood ng Korean Drama
Pati linya nakukuha
Kung minsan parang artista
Pati eksena ginagaya.

Kapag nagugutom naghahanap ng pagkain
Kapag luto na kay hirap naman tawagin
Ayaw naman magluto para makakain
Ang gusto lagi nalang ipaghahain.

Lagi nalang sa cellphone nakatingin
Kaya yung oras hindi napapansin
Kahit sa oras ng pagkain
Kasama parin kumakain.

Cellphone ay laging hawak
Hindi mo na matawag
Lagi nalang nakababad
Hindi na nilalapag.

Hindi kaba napapagod
Sumasakit ang mata kakanood
Okey lang ba iyong likod
Nakataas pa ang tuhod.


Followers

 

Donate Now

Gcash# 09560993325

Search This Blog

Tagalog Poems

Ads 200x200

Ads 200x200