Tagalog Poems

Pages

Pasalubong

Tuesday, September 27, 2022

Pasalubong:
Mommy: wow tatlong saging, I love you ba ibig sabihin nito.
Daddy: kumain sa mesa, kinain yung saging.
Mommy: wow, siya pala kakain ng dala nya, akala ko para sa'kin, ang sweet na sana.
Anak: Daddy, kinain mo nalang sana sa daan yan, dinala mo pa dito.
Daddy: hahaha

Prinsesa

Saturday, September 24, 2022



Prinsesa
ni. Lawrence R. Gonzales
Revised: Nov. 11, 2021

Magmula nang Ika'y Masilayan
Mga mata nati'y nagkatinginan
Sa Puso ko'y may kaguluhan
Parang manok nagtilaukan.

Ganda ng buhok nakabibighani
Napakaganda mo kung ngumiti
Masilayan ka'y hinahangad kong lagi
Kasiyahan kong makita kang muli.

Sa tulad mong magandang binibini
Laman ng puso'y di kayang ikubli
Damdaming hindi mapakali
Kailan kaya ito masasabi.

Ika'y prinsesa sa gitna ng madla
Ako'y nahalina sa maganda mong mukha
Tulala at hindi makapagsalita
Parang kulog na sa akin ay bumigla.

Kung sakaling ako'y makalapit
Huwag naman sanang ipagkait
Ang makausap ka'y ipipilit
Hindi ako nasisiraan ng bait.


 Kung ang dila ko may pilipit
Dahil sa ako'y umiibig
Pakiramdam ng puso'y iniipit
Kapag hindi ako nakalapit.

Paumanhin ako'y makulit
Yung puso ko kasi masakit
Mawawala itong sakit
kung tayo'y magkakalapit.

Para sa mga Mag-asawa

Sunday, September 18, 2022

Tandaan ninyo! ang inyong asawa ay kabiyak ng inyong puso at bahagi na siya ng inyong katawan sapagkat kayo'y iisa, katulad ng pakikipag-isa ninyo kay Lord Jesus. Kung kaya't huwag ninyong ituring na parang katulong ang inyong asawa sapagkat mayroon kayong karapatan at tungkulin sa isa't-isa.
1 Pedro 3:3-7 Katuruan Para sa mga Mag-asawa

Nakalimutan mo naba nung ikasal kayo?

 Nakalimutan mo naba nung ikasal kayo?

"I, _____, take thee, _____, to be my wedded wife/husband, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part, according to God's holy ordinance; and thereto I pledge thee my faith."
Marcos 10:10 Pagdating sa bahay, ang mga alagad naman ang nagtanong kay Jesus tungkol sa bagay na ito. 11 Sinabi niya sa kanila, “Kapag pinalayas at hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa at mag-asawa ng iba, siya ay nagkakasala ng pangangalunya sa kanyang asawa. 12 Gayon din naman, ang babaing magpalayas at humiwalay sa kanyang asawa, at mag-asawa ng iba ay nagkakasala rin ng pangangalunya.”
No photo description available.

Palasagot sa asawa

Tuesday, September 13, 2022

 Ang mga lalake astig sa bahay yan, palasagot sa asawa.

Ako: Anong sabon pang-babad?
Wife: nariyan sa lagayan, liquid na ariel.
Ako: powder ba iyon?
Wife: Wow liquid kaya sabi ko
Ako: mas maganda powder 😁

Followers

 

Donate Now

Gcash# 09560993325

Search This Blog

Tagalog Poems

Ads 200x200

Ads 200x200