Tagalog Poems

Pages

Ito ang Buhay na Walang Hanggan

Saturday, April 1, 2023

Itinuro ni Lord Jesus kung paano makakamit ang buhay na walang hanggan.

Message: Juan 17:3 MBB05

Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo.

Promise: 

Juan 11:26 Ang sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman.

Juan 6:40 At sila'y muli kong bubuhayin sa huling araw.”

Command: 

Juan 17:1 Parangalan mo na ang iyong Anak.

Warning: 

Juan 17:12 Maliban sa taong humanap ng kanyang kapahamakan.

Application:

Juan 5:24 RTPV05

“Pakatandaan ninyo: ang nakikinig sa aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan, sa halip ay inilipat na siya sa buhay mula sa kamatayan.

Laging Magpasalamat sa kabutihan ng Diyos

Monday, March 20, 2023


Laging Magpasalamat sa kabutihan ng Diyos

Awit ng Pagtatagumpay

Awit 118:1-14, 26-29 Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

Message : Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

Promise : sa pangalan ni Yahweh; magmula sa templo, mga pagpapala'y kanyang tatanggapin!

Command : ang pagtitiwala'y kay Yahweh ibigay

Warning : Si Yahweh ang siyangsa aki'y tumutulong laban sa kaaway, malulupig sila

Application : Dapat ihayag na ang pag-ibig ng Diyos ay tunay, laging tapat kailanman.

Sundin natin ang Diyos

Saturday, March 11, 2023


1 Mga Hari 13 MBB

Sinumpa ang Altar sa Bethel

Message: 3 Sinabi pa niya, “Ito ang tanda na si Yahweh ang nagpapasabi nito: ‘Magkakadurug-durog ang altar na ito at sasambulat ang mga abo na nasa ibabaw ng altar.’”

Promise: 32 Sapagkat matutupad ang mga sinabi niya, sa utos ni Yahweh, laban sa altar ng Bethel at laban sa lahat ng sagradong burol ng Samaria.”

Command: 17 Sapagkat ganito ang utos sa akin ni Yahweh: ‘Huwag kang kakain o iinom ng anuman doon, at huwag ka ring babalik sa iyong dinaanan.’”

Warning: 20 Habang sila'y kumakain, dumating sa matandang propeta ang isang pahayag mula kay Yahweh. 21 Kaya't sumigaw siya sa propetang galing sa Juda, “Ganito ang ipinapasabi ni Yahweh: ‘Sinuway mo ang aking utos; 22 bumalik ka sa iyong dinaanan at kumain ka at uminom dito sa lugar na ipinagbawal ko sa iyo. Dahil dito, ang bangkay mo ay hindi malilibing sa libingan ng iyong mga magulang.’”

Application: Panghawakan natin ang salita ng Diyos dahil yun ang magliligtas at maglalayo sa atin sa kapahamakan. Dahil sa pagkain at pag-inom ay namatay ang Propetang taga Juda na lingkod ng Diyos sa kasinungalingan ng matandang Propeta kaya nga suriin nating mabuti kung ang itinuturo nang iba ay kung galing sa Diyos o sa tao lamang sapagkat ganito ang sabi ni Lord Jesus sa Mateo 15:14 kapag bulag ang umakay sa kapwa bulag, pareho silang mahuhulog sa hukay.”

Si Lord Jesus ang Pag-asa

Monday, February 20, 2023



Jesus is Lord and God. Mateo 4:23-5:12

Juan 15:4 Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo. Hindi magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno. Gayundin naman, hindi kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa akin.

Message: Hindi magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno.

Promise: Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo.

Command: Mateo 5:12 Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit.

Warning: Hindi kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa akin.

Application: Kay Lord Jesus tayo umasa sapagkat siya ang ating pag-asa.

Girl, Boy, Bakla, Tomboy

Sunday, February 19, 2023



Girl, boy, bakla, tomboy ang lahat ay nagkasala, walang matuwid kahit isa pero ang sabi ni Lord Jesus. "Magaling kana, pinatawad kana, huwag ka nang magkasala uli dahil baka mas masahol pa riyan ang iyong danasin." Iibigin ng Diyos at ililigtas ang taong iibig din sa kanya, kaya nga kung girl, boy, bakla, tomboy ka at nais mong maligtas sikapin mong huwag makipagrelasyon ng hindi kapuri-puri pero kung talagang matigas ang ulo mo at nagpatuloy kapa rin sa masamang pamumuhay ang sabi sa Biblia "Inilaan niya sa kaparusahan lalo na ang mga lumalakad ayon sa laman sa pagnanasa ng karumihan."

Followers

 

Donate Now

Gcash# 09560993325

Search This Blog

Tagalog Poems

Ads 200x200

Ads 200x200