Tagalog Poems

Pages

kaaway kaba o kaibigan ng Diyos?

Sunday, April 7, 2024

kaaway kaba o kaibigan ng Diyos?

Jesus is Lord and God... “Sumampalataya si Abraham sa Dios, at dahil dito, itinuring siyang matuwid. Tinawag pa nga siyang kaibigan ng Dios

Santiago 2:22-23 Ang Salita ng Dios
22 Makikita mo na ang pananampalataya niyaʼy may kasamang mabuting gawa. Naipakita na tunay[a] ang pananampalataya niya sa pamamagitan ng mabuting gawa. 23 Natupad ang sinasabi ng Kasulatan, “Sumampalataya si Abraham sa Dios, at dahil dito, itinuring siyang matuwid. Tinawag pa nga siyang kaibigan ng Dios.

Isaias 41:8 Pero ikaw, Israel, na aking lingkod at pinili na mula sa lahi ni Abraham na aking kaibigan, 

tinawag kita at kinuha mula sa pinakamalayong dako ng mundo. Sinabi ko sa iyo na ikaw ay aking lingkod. Pinili kita at hindi itinakwil. 

10 Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo. 

11 Ang lahat ng nagagalit sa iyo ay tiyak na mapapahiya at malilito. Ang mga lumalaban sa iyo ay mapapahamak. 

12 At kahit hanapin mo ang iyong mga kaaway hindi mo na sila makikita. Silang mga kumakalaban sa iyo ay magiging walang kabuluhan. 

13 Sapagkat ako ang Panginoon na iyong Dios. Ako ang nagpapalakas sa iyo at nagsasabing huwag kang matatakot dahil tutulungan kita. 



Ito ang Buhay na Walang Hanggan

Saturday, April 1, 2023

Itinuro ni Lord Jesus kung paano makakamit ang buhay na walang hanggan.

Message: Juan 17:3 MBB05

Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo.

Promise: 

Juan 11:26 Ang sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman.

Juan 6:40 At sila'y muli kong bubuhayin sa huling araw.”

Command: 

Juan 17:1 Parangalan mo na ang iyong Anak.

Warning: 

Juan 17:12 Maliban sa taong humanap ng kanyang kapahamakan.

Application:

Juan 5:24 RTPV05

“Pakatandaan ninyo: ang nakikinig sa aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan, sa halip ay inilipat na siya sa buhay mula sa kamatayan.

Laging Magpasalamat sa kabutihan ng Diyos

Monday, March 20, 2023


Laging Magpasalamat sa kabutihan ng Diyos

Awit ng Pagtatagumpay

Awit 118:1-14, 26-29 Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

Message : Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

Promise : sa pangalan ni Yahweh; magmula sa templo, mga pagpapala'y kanyang tatanggapin!

Command : ang pagtitiwala'y kay Yahweh ibigay

Warning : Si Yahweh ang siyangsa aki'y tumutulong laban sa kaaway, malulupig sila

Application : Dapat ihayag na ang pag-ibig ng Diyos ay tunay, laging tapat kailanman.

Sundin natin ang Diyos

Saturday, March 11, 2023


1 Mga Hari 13 MBB

Sinumpa ang Altar sa Bethel

Message: 3 Sinabi pa niya, “Ito ang tanda na si Yahweh ang nagpapasabi nito: ‘Magkakadurug-durog ang altar na ito at sasambulat ang mga abo na nasa ibabaw ng altar.’”

Promise: 32 Sapagkat matutupad ang mga sinabi niya, sa utos ni Yahweh, laban sa altar ng Bethel at laban sa lahat ng sagradong burol ng Samaria.”

Command: 17 Sapagkat ganito ang utos sa akin ni Yahweh: ‘Huwag kang kakain o iinom ng anuman doon, at huwag ka ring babalik sa iyong dinaanan.’”

Warning: 20 Habang sila'y kumakain, dumating sa matandang propeta ang isang pahayag mula kay Yahweh. 21 Kaya't sumigaw siya sa propetang galing sa Juda, “Ganito ang ipinapasabi ni Yahweh: ‘Sinuway mo ang aking utos; 22 bumalik ka sa iyong dinaanan at kumain ka at uminom dito sa lugar na ipinagbawal ko sa iyo. Dahil dito, ang bangkay mo ay hindi malilibing sa libingan ng iyong mga magulang.’”

Application: Panghawakan natin ang salita ng Diyos dahil yun ang magliligtas at maglalayo sa atin sa kapahamakan. Dahil sa pagkain at pag-inom ay namatay ang Propetang taga Juda na lingkod ng Diyos sa kasinungalingan ng matandang Propeta kaya nga suriin nating mabuti kung ang itinuturo nang iba ay kung galing sa Diyos o sa tao lamang sapagkat ganito ang sabi ni Lord Jesus sa Mateo 15:14 kapag bulag ang umakay sa kapwa bulag, pareho silang mahuhulog sa hukay.”

Si Lord Jesus ang Pag-asa

Monday, February 20, 2023



Jesus is Lord and God. Mateo 4:23-5:12

Juan 15:4 Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo. Hindi magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno. Gayundin naman, hindi kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa akin.

Message: Hindi magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno.

Promise: Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo.

Command: Mateo 5:12 Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit.

Warning: Hindi kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa akin.

Application: Kay Lord Jesus tayo umasa sapagkat siya ang ating pag-asa.

Followers

 

Donate Now

Gcash# 09560993325

Search This Blog

Tagalog Poems

Ads 200x200

Ads 200x200