Galatians 1:3-5 New International Version (NIV)

3 Grace and peace to you from God our Father and the Lord Jesus Christ, 4 who gave himself for our sins to rescue us from the present evil age, according to the will of our God and Father, 5 to whom be glory for ever and ever. Amen.

PAALAM TATAY



PAALAM TATAY
Ni. Lawrence R. Gonzales
 
ANG MAHAL KONG TATAY
ISANG LINGGO IKA’Y NAKARATAY
AKING DALANGIN, HUWAG SANANG HUMIMLAY
LAGING NAGDARASAL NA IKA’Y MAGKAMALAY.

ANG MGA TAO SA ATING BAHAY
PAGBABALIK MO AY HINIHINTAY
MGA NAGMAMAHAL, PATI KAPIT BAHAY
PINAGDARASAL NILA ANG IYONG BUHAY.

ANG IYONG ANAK AY NAGLALAMBING
PAKIUSAP HUWAG KA SANANG MAHIMBING
MANATILI KA SANA, ANG TANGI KONG HILING
NAIS KONG MAKITA NA IKA’Y GISING.

SUBALIT HINDI KO INAASAHAN
SA PILING KO IKAW AY LILISAN
TUNAY NGANG BUHAY NG TAO MAY KATAPUSAN
HINDING-HINDI KITA MALILIMUTAN.

HABANG IKA’Y NARITO SA HIMLAYAN
ASAHAN MONG LAGI, IKA’Y BABANTAYAN
PAGKAT PAGMAMAHAL KO’Y WALANG HANGGANAN
TULAD NG KALAWAKAN, WALANG KATAPUSAN.

SA IYONG PAGLISAN, MAYROONG KALUNGKUTAN
NGUNIT KAPALIT NITO’Y IYONG KAPAYAPAAN
NGAYO’Y NATAGPUAN TUNAY NA KATAHIMIKAN
DOON SA LANGIT NA MAY KALAYAAN.

IKA’Y IHAHATID SA HULING HANTUNGAN
SA HULING PAGKAKATAON IKA’Y MASILAYAN
KAYA’T NGAYONG GABI IKA’Y  SASAMAHAN
SAMA-SAMA KAMI HINDI KA TUTULUGAN.
0 Responses