Galatians 1:3-5 New International Version (NIV)

3 Grace and peace to you from God our Father and the Lord Jesus Christ, 4 who gave himself for our sins to rescue us from the present evil age, according to the will of our God and Father, 5 to whom be glory for ever and ever. Amen.

Driver ng Jeep




DRIVER NG JEEP
Ni: Lawrence R. Gonzales

ANG DRIVER NA SWEET LOVER
SA PAG-IBIG PARANG FLYING SAUCER
MATULIS PA SA SCREW DRIVER
KUNG MAMBOLA TAGOS HANGGANG LIVER.

KAPAG MAY SEKSING SUMAKAY
PARANG GUSTONG UMAKBAY
PAG HOLDAPER ANG SUMAKAY
TATALON KAHIT SA TULAY.
 
BAGONG HARI NG KALSADA
MAS SIKAT PA SA KALESA
ARAW-ARAW AY BIDA
TULAD NG ISANG ARTISTA.

KAPAG MAINIT ANG ULO
INAAWAY ANG PASAHERO
AT NAGIGING BARUMBADO
SARAP KUTUSAN SA ULO.

KUNG MAGMANEHO BARA-BARA
ANG TAMAAN PASENSYA
WALA NAMANG PAMBAYAD SA DISGRASYA
WALA KASING INGAT SA KALSADA.
 
MAAGANG PUMIPILA
PARA KUMITA NG PERA
PAG BIYAHE SA KALSADA
MAY PULIS NA EEKSENA.

NASAAN ANG LISENSYA
TIGIL ANG PASADA
IPITAN MO NA LANG NG PERA
TULUY-TULOY NA ANG LIGAYA.

ANG MAHAL NG GASOLINA
KONTI LANG ANG KINITA
PAANO KAYA MAGKAKASYA
PARA SA KANYANG PAMILYA.
0 Responses